Tanganan ang krus ng kapwa, panawagan ng SCMP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 868 total reads

Ipagpatuloy ang malasakit sa kapwa ngayong hinaharap ng buong mundo ang ibat-ibang suliranin.

Ito ang mensahe ni Kej Andres, president ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) sa bawat mamamayan higit na sa mga kabataan sa nalalapit na paggunita ng World Youth Day sa August 12.

“Ang hamon natin sa Kristiyanong kabataan ngayong International Youth Day ay tanganan iyong krus ng kapwa Pilipino na nakakaranas ng iba’t ibang pasanin dahil sa krisis sa ekonomiya,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Andres sa Radio Veritas.

Umaasa si Andres na maglaan ng panahon ang mga kabataan na alamin ang kahirapang nararanasan ng kapwa upang makagawa at makilahok sa mga inisyatibong tutulong sa mga nangangailangan.

Nanawagan rin ng paninindigan ang SCMP sa mga kabataang anak ng manggagawa, magsasaka at mangingisda na makiisa sa kanilang mga magulang upang mapalakas ang mga panawagan ng sektor.

Apela din ng Pangulo ng SCMP sa mga kabataan ang pakikiisa sa mga panawagan na paigtingin ng mga paaralan ang pagtuturo ng kasaysayan sa Pilipinas sa halip na unahin ang panunumbalik ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Taong 1986 ng unang ipagdiwang ang World Youth Day sa pangunguna ng dating Santo Papa Pope John Paul II.

Sa Papal Visit ni Pope John Paul sa Pilipinas upang gunitain ang World Youth Day noong 1995 ay naitala ang pagdalo ng 5-milyong mananampalataya sa Quirino Grand Stand.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,838 total reads

 75,838 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,683 total reads

 110,683 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,983 total reads

 145,983 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,252 total reads

 372,252 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,530 total reads

 261,530 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top