Diocese ng Imus, nagbabala laban sa pekeng seminarista

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,226 total reads

Nagbabala ang Diyosesis ng Imus, Cavite sa mga mananampalataya laban sa nagpapakilalang seminarista na nanghihingi ng donasyon.

Ayon sa Diocese of Imus facebook post, may kumakalat na solicitation letters sa diyosesis na humihingi ng tulong-pinansyal para sa ordinasyon sa pagiging pari.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Vicky Alcazar- isang layko mula sa diyoses, si John Michael Castillo ay nagpapakilalang seminarista na ginagamit ang pangalan ni Fr. Bernie Gacelo, kura paroko ng Saint Jude the Apostle Parish sa Bacoor, Cavite at ilang seminarista.

“Siya [John Michael Castillo] ‘yung nanghingi sa akin ng donation para daw sa kanyang sotana. Hiningan ko siya ng katibayan na may pirma ni Fr. Bernie pero wala siyang naipakita sa akin,” pahayag ni Alcazar.

Ayon naman kay Imus Diocesan Social Action Director Father Michael Rueben Cron na mayroon din silang natanggap na ulat hinggil sa kumakalat na solicitation letter.

Pagbabahagi ni Fr. Cron na ginagamit din ni Castillo ang pangalan naman ni Fr. Danilo Tiong, kura paroko ng Saint James the Great Parish sa Imus, Cavite at ilan ding mga seminarista.

Paalala ng pari sa mga mananampalataya na sakaling makatanggap ng solicitation letter, agad na makipag-ugnayan sa mga tanggapan ng parokya o diyosesis upang matiyak na tunay ang sulat na natanggap.

Paliwanag ni Fr. Cron, hindi masamang tumulong sa mga higit na nangagailangan ngunit dapat tiyakin munang mabuti ang patutunguhan at hindi mapapahamak ang simbahan.

“Sana po ay maging matalas ang ating isip at gayundin maging mapagkawanggawa pa rin naman dahil alam nating meron talagang totoong nangangailangan at tayo’y maging instrumento ng Diyos para sa pagkakawanggawa,” pahayag ni Fr. Cron.

Maraming beses nang nagbigay ng babala ang simbahan hinggil sa pananamantala ni Castillo na gumagamit ng iba’t ibang pangalan para makapanlinlang ng kapwa.

Maliban sa Diyosesis ng Imus, umiikot din si Castillo sa iba pang diyosesis lalo na sa Metro Manila sa katulad na dahilan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 21,626 total reads

 21,626 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 41,542 total reads

 41,542 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 78,920 total reads

 78,920 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 110,188 total reads

 110,188 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 184,771 total reads

 184,771 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 276,938 total reads

 276,938 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,788 total reads

 74,788 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top