Kaligtasan ng mamamayan, panalangin ng Obispo sa bantang panganib ng “The Bigger One”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 925 total views

Ipag-adya ang sambayanang Pilipino sa panganib ng malakas na paglindol at tsunami.

Ito ang dalangin ni Maasin, Southern Leyte Bishop Precioso Cantillas kaugnay sa pangambang dulot ng “The Bigger One” o ang Leyte Fault Line sa Eastern Visayas.

Kasunod ito ng pahayag ng Eastern Visayas Office of Civil Defense na dapat paghandaan ang posibleng mangyari sakaling gumalaw ang nasabing fault line.

Nilinaw naman ng ahensya na hindi nito intensyong magdulot ng pangamba sa publiko bagkus ay magbigay ng impormasyon at kahalagahan ng kahandaan sa lindol at epekto nito.

(BOLD) Panalangin laban sa banta ng “The Bigger One” ni Maasin Bishop Precioso Cantillas:

“Panginoon, Ikaw ang makapangyarihan sa lahat. Dumudulog kami sa Iyo sa panahon ng aming pagkabahala at pagkatakot sa balita na posibleng malakihan ang pinsala ng pinangangambahang malaking pagguho ng lupa dahil sa malaking fault line sa Eastern Visayas.

Kaawaan Mo kami, O Diyos, at nawa’y ipag-adya Mo kami sa kinakatakutang lindol at tsunami. Nawa’y mapasaamin ang Iyong walang hanggang awa at pagkalinga, sa tulong ng mga Santo at ng Mahal naming Ina, ang Birheng Maria. Amen.”

Nauna nang tiniyak ni Maasin Diocesan Social Action Director Fr. Harlem Gozo na paiigtingin ng diyosesis ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga parokya bilang paghahanda sa epekto ng “The Bigger One”.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na kapag umabot sa magnitude 7 ang lakas ng paglindol, ang nasabing fault line ay maaaring magdulot ng tsunami sa mga lugar na malapit sa Pacific Ocean tulad ng Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, at Southern Leyte.

Ang Leyte Fault Line ay itinuturing na pinakamalaking fault line sa bansa kumpara sa “The Big One” o Marikina West Valley Fault.

Ito rin ay bahagi ng 1,200 kilometrong habang Philippine fault zone, na isang malaking tectonic feature na binabagtas ang buong Philippine archipelago mula hilagang-kanlurang Luzon patungong timog-silangang Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 84,716 total views

 84,716 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 98,293 total views

 98,293 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 126,857 total views

 126,857 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 174,484 total views

 174,484 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 163,599 total views

 163,599 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top