Mamamayan, binalaan sa “phreatomagmatic eruption” ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Nananawagan ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) para sa donasyon ng N95 face mask na higit na kailangan ngayon sa lalawigan ng Batangas bunsod ng kalagayan ng bulkang Taal.

Ayon kay LASAC Program Officer Paulo Ferrer, apektado na ng sitwasyon ng Taal Volcano ang kalusugan at kabuhayan ng mga residenteng malapit sa bulkan dahil sa inilalabas na sulfur dioxide o asupre.

“Based dun sa initial assessment, nirereklamo ng mga tao ‘yung effect nung vog sa kanila. Mostly, mga may ubo at masakit ang lalamunan dahil nga dun sa high level nga nung sulfur dioxide sa hangin.,” pahayag ni Ferrer sa panayam ng Radio Veritas.

Bahagya ring humina ang steaming sa bulkan na maaaring pahiwatig na naubos na ang tubig sa crater.

Babala naman ni Ferrer sa publiko na bagamat humina ang paglabas ng usok, hindi pa rin dapat makampante ang mga tao dahil maaaring senyales naman ito ng nalalapit na pagsabog ng Bulkang Taal.

“Yun ang two aspects. It’s either wala na ‘yung tubig sa crater, ibig sabihin super mainit na, next to that will be ‘yung phreatomagmatic [eruption] na,” dagdag ni Ferrer.

Nakahanda naman ang LASAC sa mga posibleng mangyari sa mga susunod na oras gayundin sa anunsyo ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan bilang patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng bulkan.

Sa ngayon, kinakailangan ng mga pamayanang malapit sa Bulkang Taal ang N95 facemask para sa karagdagang proteksyon laban sa panganib na epekto ng asupre.

Para sa mga nais tumulong sa pamamagitan ng in-kind donations, maaari itong dalhin sa LAFORCE Building, St. Francis de Sales Major Seminary Compound, Marawoy, Lipa City, Batangas.

Kung ito naman ay in cash donations, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng GCash sa account name na Fr. Jayson Siapco at account number na 0966-572-6244.

Batay sa 24-hour observation ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala sa Taal Volcano ang limang volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang walong minuto ang haba, at mayroon ding mahinang background tremor.

Umabot din sa higit 13 libong tonelada kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan kahapon, taglay ang malakas na pagsingaw na umabot sa halos tatlong kilometro ang taas.

Gayunman, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang kalagayan ng Taal Volcano.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 18,880 total reads

 18,880 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 19,561 total reads

 19,561 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 37,422 total reads

 37,422 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 74,800 total reads

 74,800 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 106,068 total reads

 106,068 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 180,957 total reads

 180,957 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 273,324 total reads

 273,324 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,588 total reads

 74,588 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top