Pagsusuri sa galaw ng lupa at aktibidad ng bulkan, paiigtingin ng DOST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total views

Tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Science and Technology na mas paiigtingin ang mga plano hinggil sa pagsusuri sa galaw ng lupa at aktibidad ng mga bulkan sa buong bansa.

Ayon kay Science and Technology Secretary Renato Solidum na mayroong strategic plan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) upang mas mapabuti at mapadali ang pagtukoy sa mga seismic activity o nangyayaring pagyanig ng lupa sa Pilipinas.

Sinabi ni Solidum, dating director ng PHIVOLCS na nasa 115 na ang nakatayong seismic station sa bansa at balak pang dagdagan ito sa 300 upang masiguro ang kalagayan ng lahat ng aktibo at potensyal na fault line sa bansa.

“Ang hangarin natin dito ay kapag mas madami ang seismic station, ‘yung mga maliliit na lindol, ‘yung mga magnitude 2 and above kayang kaya po ng ating seismic network ‘yan. Kung gusto pa nating makadetect ng maliliit na lindol na maaaring makapagbigay sa atin ng idea na baka may malaking earthquake na susunod kapag gumagalaw na ‘yung fault ay papadamihin natin,” pahayag ni Solidum sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ding paigtingin ng PHIVOLCS ang paglalagay ng earthquake intensity monitors upang madaling matukoy ang mga lugar na apektado sakaling may maganap na paglindol.

Paliwanag ni Solidum na kadalasan ay umaasa lamang ang ahensya sa mga ulat mula sa lokal na pamahalaan kaya hindi agad natutukoy ang lawak ng epekto ng mga pagyanig.

“Nagde-devevelop tayo at naglalagay tayo ng mga earthquake intensity meters para maipakalat sa buong Pilipinas. Magdadagdag pa tayo ng 200 at sa kasalukuyan mayroon na tayong close to 200 para mapabilis ang pagkalap ng information,” saad ni Solidum.

Ibinahagi rin ng dating director ng PHIVOLCS na mayroon ding state-of-the-art na kagamitan ang ahensya sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan sa bansa.

Tinukoy ni Solidum ang mahigpit na pagbabantay sa mga aktibong bulkan tulad ng Bulkang Bulusan, Bulkang Pinatubo, lalo na ang Bulkang Taal na bagamat nasa Alert Level 1 status ay patuloy na nagdudulot ng pangamba sa publiko.

Gayunman, sinabi ng kalihim na mahalaga pa rin ang mayroong sapat na kaalaman at kahandaan ng publiko para sa kaligtasan sa anumang sakuna.

Si Solidum ay naglingkod sa PHIVOLCS mula 1984, kung saan siya ay direktor mula 2003 hanggang 2017 at officer-in-charge mula 2017 hanggang sa kasalukuyang taon bago italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang bagong DOST secretary.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 104,478 total views

 104,478 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 148,086 total views

 148,086 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 229,986 total views

 229,986 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 238,401 total views

 238,401 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top