Mga OFW, hinimok na makiisa sa formation program ng CFM Hongkong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 780 total reads

Pinaigting ng Chaplaincy to the Filipino Migrants in Hong Kong (CFM Hong Kong) ang mga hakbang na lilinang sa pagmimisyon ng mga Katolikong Pilipino.

Ito ay sa pamamagitan ng inisyatibo ni Father Jay Francis Flandez na pagdaraos ng Formation Program tuwing araw ng Martes ika-siyam ng gabi na matutunghayan sa official Facebook page ng CFM Hong Kong na nagsimula noong COVID 19 pandemic.

Ayon kay Brother Mijad Jimenez, social media member ng Chaplaincy, pangunahing layunin ng programa na matulungan ang mga Filipino migrants higit na ang mga Filipino domestic helpers sa Hong Kong na makapakinig ng salita ng Diyos.

“Karamihan po niyan ay nakakapanood a day after or during the weekend, ang ganda po ng feedback kasi it’s all about formation so malaking bagay po sa atin sa mga kababayan natin yung may naririnig about them and people sharing their experiences na yung pinagdadaanan nila ay simple pala na pinagdaanan din pala ng iba, or hindi pala ganon ka-complicated may solusyon pala,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bro. Jimenez.

Bukod dito ay pinalalaganap din ng Formation Program ang ebanghelisasyon sa buong mundo dahil matutunghayan ito ng mga OFW saan mang panig ng daigdig.

Tampok sa programa ang ibat-ibang tema ng salita ng Diyos, karanasan ng mga Filipino migrants o mga napapanahon paksa na tinatalakay ng mga pari, lay volunteers, ibat-ibang grupo at maging mga eksperto upang mapalapit ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat sa Panginoon.

“Any Filipino anywhere in the world who is facing a same challenges to cope using the word of God, using the teachings instilled by the church, tinutulungan tayong magbago from being just plain massgoers to becoming missionaries kasi yun po talaga yung goal natin,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bro. Jimenez.

Batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority para sa taong 2020, bunsod ng mahihigpit na lockdowns dahil sa pandemya ay bumaba sa 1.77-milyon ang bilang ng mga OFW sa buong mundo.

Batay naman sa talaan ng Department of Foreign of Affairs ay aabot sa 220-libo ang bilang ng mga OFW at Filipino Migrants na naninirahan o nagtatrabaho sa Hong Kong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 72,039 total reads

 72,039 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 107,273 total reads

 107,273 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 142,573 total reads

 142,573 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 368,842 total reads

 368,842 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 258,276 total reads

 258,276 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top