Muling pagpapaliban sa SK at Barangay election, hindi makatarungan

SHARE THE TRUTH

 554 total views

Tinutulan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV ang planong pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na itinakda sa December 2022.

Ayon sa PPCRV, ang muling pagpaliban sa halalang pambarangay ay magpapahina sa kahalagahan ng barangay sa lipunan lalo na ang paglilingkod sa pamayanan.

Tinaguriang ‘most basic local government unit’ ang barangay sapagkat ito ang nangunguna sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan at mabilis na makatutugon sa oras ng pangangailangan ng nasasakupang komunidad.

“The calls to postpone the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections seem to undermine the barangay’s important role and significance in the daily dissemination of basic services to the Filipino people,” bahagi ng pahayag ng PPCRV.

Unang ipinagpaliban ang Barangay at SK Elections noong 2018 kaya’t nasa limang taon nang naglingkod ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay.

Ayon sa mandato ng Republic Act 11462 isinasaad dito na ang synchronized Barangay and SK elections ay gaganapin tuwing ikatlong taon sa unang Lunes ng Disyembre.

Iginiit ng church election watchdog na ang pagpapaliban sa halalan ay pagkait sa karapatan ng mamamayan na pumili ng mga lider na maasahan lalo na sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad tulad ng nangyaring COVID-19 pandemic.

“Postponement of the election also deprives citizens of the right and critical need to replace those leaders who did not optimally and adequately exercise their voter-given mandate,” giit ng grupo.

Batid ng grupo na ito rin ay pagpigil sa karapatan ng mga kabataan na maghalal na kabataang lider na magsusulong sa kanilang kapakanan.

“The postponement of the Sangguniang Kabataan elections stifles their right to participate as youth leaders and to vote for other youth leaders,” giit ng PPCRV.

Inihayag ng PPCRV na hindi makatarungang dahilan ang paghilom sa katatapos na May 2022 elections at ang paglipat ng P8.2-bilyong pisong pondo para sa Barangay at SK Elections para gamitin sa COVID-19 programs para ipagpaliban ang halalan.

Binigyang diin ng PPCRV na ang halalang pambarangay at mga programang pagtugon sa pandemya ay parehong mahalaga at pinaglalaanan ng pondo kaya’t walang sapat na dahilan para ipagpaliban ang halalan sa Disyembre.

Una na ring tinututulan ng iba’t ibang grupo kabilang na ang mga church leaders ang planong pagpapaliban sa Barangay at SK Elections.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 51,463 total views

 51,463 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 56,881 total views

 56,881 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 63,588 total views

 63,588 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 78,381 total views

 78,381 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 84,537 total views

 84,537 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Tanggapin ang espiritu santo, paanyaya ni Bishop Pabillo

 513 total views

 513 total views Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office on Stewardship ang mananampalataya sa kahalagahan ng pagtanggap sa Espiritu Santo. Ito ang mensahe ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng simbahan sa Linggo ng Pentekostes kung saan ang pananahan ng Banal na Espiritu sa bawat isa ay paraan upang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, makikiisa sa peoples march and prayer vs CHACHA

 912 total views

 912 total views Makikiisa ang Archdiocese of Manila sa isasagawang People’s March and Prayer Against Charter Change sa May 22, 2024. Sa liham sirkular ni Manila Archdiocesan Chancellor Fr. Isidro Marinay, hinimok nito ang nasasakupan na makiisa sa pagtitipon sa harapan ng tanggapan ng Senado sa Pasay City mula alas tres hanggang alas singko ng hapon.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP, pinuri ang Civilian-led mission sa WPS

 1,046 total views

 1,046 total views Nanindigan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mas mainam na paraan ang pagkakaisa ng mga ordinaryong Pilipino sa West Philippine Sea sa halip na paigtingin ang armadong pwersa ng bansa. Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virglio David ang pagpapakita ng mga sibilyang Pilipino sa pagmamalasakit sa karagatan ng WPS

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Apat na Filipino Bishops sa US, dadalo; Ikalimang Filipinong Obispo sa Amerika, oordinahan sa May 31

 1,411 total views

 1,411 total views Pupusan na ang paghahanda ng Diocese of Sacramento kasama ang Filipino communities sa California para sa nalalapit na ordinasyon bilang obispo ni Bishop-elect Rey Bersabal sa May 31. Ayon kay Pontificio Collegio Filippino Rector Fr. Gregory Ramon Gaston kamakailan ay nakipagkita ito sa bagong halal na katuwang na obispo ng Sacramento kung saan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divorce, labag sa batas ng simbahan

 1,477 total views

 1,477 total views Naniniwala si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas mapagtibay ang pamayanang nakaugat sa pag-ibig, habag at paggalang sa sakramento ng pag-iisang dibdib. Ito ang mensahe ng obispo kasunod ng pag-usad ng House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act sa mababang kapulungan kung saan inaprubahan ito ng mga mambabatas sa pamamagitan ng viva

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Paigtingin ang pananalangin ng santo rosary, paanyaya ng simbahan sa mamamayan

 2,201 total views

 2,201 total views Hinimok ng pamunuan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Urduja, Caloocan City ang mamamayan na paigtingin ang pananalangin lalo ng Santo Rosaryo. Ayon kay Shrine Rector at Parish Priest Fr. Aristeo De Leon, sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo mahalagang maisabuhay ang panawagan ng Mahal na Ina nang magpakita

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Polisiya sa pagtanggap sa dayuhang estudyante, pinahihigpitan ng isang mambabatas

 2,224 total views

 2,224 total views Iginiit ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro na dapat higpitan ng pamahalaan ang mga polisiya sa pagtanggap ng mga dayuhang estudyante sa bansa. Sa panayam ng programang Veritas Pilipina, sinabi ni Castro na dapat suriing mabuti ang mga dokumentong isinusumite ng mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas upang matiyak ang kanilang dahilan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

AI, mapanganib kung gagamitin sa mis-communications

 3,864 total views

 3,864 total views Inihayag ng opisyal ng Archdiocese of Manila Office of Communications na kinilala simbahan ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya sa lipunan. Ayon kay Radio Veritas Vice President, AOC Director Fr. Roy Bellen, biyaya ng Panginoon ang mga pag-unlad tulad ng ‘artificial intelligence’ na maaring gamitin ng simbahan sa pagpapaigting ng ebanghelisasyon gamit ang media.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

 7,254 total views

 7,254 total views Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day. Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pastoral at spiritual enhancement ng mga kawani ng security forces ng bansa, tiniyak ng MOP

 7,855 total views

 7,855 total views Tiniyak ng Military Ordinariate of the Philippines ang pagpapalago sa espiritwalidad ng mga kawani ng security forces ng bansa. Ito ang mensahe ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kasunod ng paggawad ng sakramento ng kumpil sa 38 inidbidwal sa National Headquarters ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City. Sinabi ng obispo na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

 5,036 total views

 5,036 total views Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral. Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Obispo, nagbabala sa publiko kaugnay sa A.I.

 7,360 total views

 7,360 total views Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan higgil sa paggamit ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Artificial Intelligence. Ayon kay Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Communication tulad ng mga modernong bagay maraming magagandang maidudulot ang paggamit ng A.I dahil pinabibilis

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Santo Papa Francisco sa mga Kura Paroko: Itaguyod ang misyon at simbahang sinodal

 7,446 total views

 7,446 total views Pinaalalahanan ng Papa Francisco ang mga kura paroko sa natatanging gawain na maging tagapastol sa bawat binyagan tungo sa iisang misyong ipalaganap ang Mabuting Balita sa sanlibutan. Sa ginanap na International Meeting “Parish Priests for the Synod” sa Roma kinilala ng santo papa ang malaking gampanin ng mga kura paroko upang itaguyod ang

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pinakabatang Arsobispo ng Pilipinas, iniluklok bilang pinuno ng Archdiocese ng Caceres

 7,946 total views

 7,946 total views Humiling ng panalangin si Archbishop Rex Andrew Alarcon kasunod ng pagluklok bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Caceres sa Bicol region. Sinabi ng arsobispo na mahalaga ang mga panalangin ng mamamayan upang manatiling gabay ang Panginoon sa kanyang pagpapastol sa mahigit isang milyong kawan na ipinagkatiwala ng simbahan sa kanyang pangangalaga. Ito ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top