Cardinal Tagle naglabas ng pastoral guidance kontra Zika Virus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 418 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang bawat parokya, institusyon, paaralan at komunidad na makiiisa sa kampanya ng Department of Health para labanan ang pagkalat ng Zika virus.

Sa liham, hiniling ni Cardinal Tagle sa mga parish priest at bawat institusyon na nasasakupan ng Archdiocese of Manila na ipalaganap ang ‘4s’ at ito ay ang mga sumusunod:

1. Search and destroy mosquito-breeding places.
2. use Self protection measures.
3. Seek early consultation for fever lasting more than two days.
4. Say yes to fogging when there is an impending outbreak.

Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO) ang Zika virus ang pangunahing kumakalat sa tao dulot ng pagkagat ng lamok na may virus o ang Aedes aegypt.

Kaakibat din ng Pastoral Guidance on the Preventive Response to Zika Virus na inilabas ni Cardinal Tagle ang panawagan na mag-ingat at panatilihing malinis ang kapaligiran.

Umaapela ang kanyang Kabunyian sa publiko na isaalang-alang at umiwas na makagat ng lamok lalu na sa hapon at gabi gayundin ang pagsusuot ng hindi makukulay na damit.

Hinihikayat din ang bawat isa na magsuot ng mahahabang kasuotan upang matakpan ang ang bahagi ng paa at braso na karaniwang lantad sa mga kagat ng insekto.

Gumamit ng window at door screen, ng kulambo at ang insect repellant.

Dapat din panatiliing may takip ang mga lalagyanan ng tubig at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang hindi magamit bilang breeding ground ng mga lamok.

Kinakailangan din na maging maalam ang bawat isa sa mga sintomas ng Zika, kabilang dito ang pagkakaroon ng lagnat, rashes, pananakit ng ulo at katawan na kinakailangan na ng pagpapakosulta sa manggamot.

Hiniling din ni Cardinal Tagle na magdasal para sa kaligtasan ng lahat kaakibat na rin ang pag-iingat sa loob at labas ng tahanan upang makaiwas sa panganib na dulot nito.

Sa tala ng DoH, may 12 kaso na ng Zika ang naitala sa bansa kabilang na dito ang isang nagdadalang tao sa Cebu City.

February 2016 nang ideklara ng WHO ang zika outbreak dahil sa mabilis na pagkalat nito sa mga bansa sa America, Pacific Southeast Asia  na nagsimula sa Brazil taong 2015.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 26,619 total reads

 26,619 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 124,995 total reads

 124,995 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 169,264 total reads

 169,264 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 192,373 total reads

 192,373 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 266,171 total reads

 266,171 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 284,394 total reads

 284,394 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 400,129 total reads

 400,129 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top