Mataas na matrikula sa Catholic schools, binigyang linaw ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 930 total reads

Binigyang linaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang madalas na batikos sa simbahan na ‘mahal ang matrikula sa mga katolikong simbahan subalit mababa ang suweldo ng mga guro.’

Ipinaliwanag ng Obispo na kung tutuusin ay mas mahal ang gastos ng bawat estudyante sa pampublikong paaralan na ang pondo ay mula sa buwis ng mamamayan.

“Mas malaki ang budget ng public schools dahil mas mahal ang pasweldo sa kanilang mga teachers. Para maipantay ng Catholic schools ang sweldo ng kanilang mga teachers sa sweldo sa public, kailangan nilang magtaas ng tuition fees. Hindi naman aaprubahin ng DepEd ang biglaang pagtaas ng tuition fees ng mga private schools,” pahayag ni Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas.

Habang ang mga pribadong paaralan kabilang na ang Catholic institutions ay mula naman ang pondo sa matrikulang ibinabayad ng mga mag-aaral na inilalaan sa suweldo ng mga teaching and non-teaching personnel, pagpapagawa ng mga silid aralan at iba pang pangangailangan ng paaralan.

Iginiit ng obispo na ang pagkakaroon ng dagdag suweldo sa mga guro ay nangangahulugan din ng umento sa matrikula na kailangan din munang isangguni sa pamahalaan.

Sa nakalipas na pandemya, ilang mga pribado at katolikong paaralan ang nagsara dulot ng pagkalugi dahil sa kakulangan ng mga estudyante kabilang na dito 76 na pribadong paaralan ang nagsara sa Western Visayas.

Itinanggi din ni Bishop David na ang mga pribadong paaralan ay para lamang sa maykaya dahil sa katunayan ay naglaan ng pondo ang simbahan para sa mga mag-aaral na mahihirap.

“Marami ring mga mahihirap ang nag-aaral sa mga Catholic schools dahil sa pagsusumikap ng mga Catholic schools na maglaan ng pondo o magkaroon ng mga foundations na pwedeng magprovide ng scholarship grant o financial assistance sa kanilang mga poor but deserving students,” dagdag pa ng obispo.

Sa pagbubukas ng taon, muling isinagawa ng Radio Veritas at Caritas Manila-ang social arm ng Archdiocese of Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program, upang tustusan ang may 5,000 college scholars ng simbahan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,712 total reads

 8,712 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,212 total reads

 10,212 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 22,298 total reads

 22,298 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 59,676 total reads

 59,676 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 90,946 total reads

 90,946 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 166,871 total reads

 166,871 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 260,010 total reads

 260,010 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 10,213 total reads

 10,213 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top