CBCP-ECHC, pinag-iingat ang mamamayan sa denue at leptospirosis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na panatilihin ang kalinisan upang makaiwas sa mga lumalaganap na sakit.

Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care, mahalaga ang pagiging malinis lalo na ngayong tag-ulan upang mapanatili ang kaligtasan mula sa mga malalang karamdaman tulad ng dengue at leptospirosis.

“Tayo po ay magcontribute. Panatilihin nating malinis ang ating kapaligiran. Maglinis po tayo. Tayo ngayon ay nasa Season of Creation kaya tamang-tama, kung mayroon tayong malusog na planeta, may malusog tayong namamahay dito – ang mga tao,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang dengue ay nakukuha mula sa infected na lamok o aedes aegypti na nangingitlog sa mga lugar na mayroong nakaimbak na tubig, at karaniwang tinatamaan ay mga bata at sanggol.

Habang ang leptospirosis naman ay sakit na naipapasa mula sa mga kontaminadong tubig tulad ng baha na mayroong ihi ng daga, at lubhang mapanganib sa mga taong mayroong sugat sa bahagi ng binti hanggang paa.

Mayroong pagkakatulad sa mga karaniwang sintomas ang dengue at leptospirosis tulad ng pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pananakit ng ulo at kalamnan, pagsusuka, at skin rashes.

Hinikayat naman ni Fr. Cancino ang publiko na huwag balewalain sakaling magkaroon ng anuman sa mga nabanggit na sintomas at sa halip ay agad na magpakonsulta sa doktor upang malapatan ng lunas.

“Mayroon tayong mga facilities, ang ating mga healthcare center at mga ospital na pwede nating lapitan at magpa-check-up. Huwag nating babalewalain dahil ang early diagnosis ng isang karamdaman ay pagtulong upang masugpo ito,” ayon sa opisyal ng CBCP.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa humigit-kumulang 119,000 ang kaso ng dengue sa bansa mula Enero hanggang Agosto ng kasalukuyang taon kung saan nasa 400 na ang naitalang nasawi.

Nakapagtala naman ang leptospirosis ng halos 1,500 kaso mula Enero hanggang Agosto 2022 na umabot na sa 203-katao ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 66,855 total reads

 66,855 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 102,509 total reads

 102,509 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 137,810 total reads

 137,809 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,079 total reads

 364,079 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 253,705 total reads

 253,705 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 154,728 total reads

 154,728 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top