Ipabatid ang mensaheng kapayapaan ni Kristo sa buong daigdig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 714 total reads

Ito ang pangunahing layunin ng Santo Papa Francisco sa pagbisita sa mga bansa, maging sa mga lugar na kakaunti ang mga Katoliko.

Ayon kay Fr. Greg Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma, tulad ng pagmimisyon ni Pope Francis, ganito rin tinatawagan ang bawat binyagan na ipahayag sa kapwa ang pakikipagkaibigan para sa katiwasayan ng lipunan.

“At ngayon ‘yan ang gagawin natin, yan ang ating misyon sa buhay. Kaya kahit hindi mga Kristiyano kaibigan natin, kahit hindi katoliko kaibigan natin makipag-usap tayo sa kanila, makinig tayo sa kanila kasi marami rin silang magagandang bagay na maibahagi sa atin. At sa gano’ng paraan, sana kung mapansin nila na nakikinig tayo sa kanila,” ayon kay Fr. Gaston.

Ang pagbisita sa Kazakhstan ni Pope Francis ay ang ika-57 bansa na kaniyang dinalaw simula ng hiranging bilang pinuno ng simbahan. Ito rin ang ika-38 Apostolic Visit ni Pope Francis sa 19-taong bilang Santo Papa.

“At itong unity, cooperation na gustong-gusto din ng ating Santo Papa. At ito ‘yung kaniyang hinihingi din sa bawat isa sa atin kaya siya mismo bilang isang halimbawa, siya mismo ay pumunta doon sa Kazakhstan sa isang conference na na-organize para sa mga world leader ng mga iba’t-ibang relihiyon,” dagdag pa ng pari.

Ayon pa kay Fr. Gaston, pagpapakita rin ng pakikinig sa kapwa na ang bawat tao ay may magandang bagay na maibabahagi at matututunan.

Simula September 13-15, binisita ng Santo Papa ang Kazakhstan upang dumalo sa 7th Congress of Leaders of World and Traditional Religions sa Nur Sultan.

Layunin ng pagtitipon ng mga pinuno ng Simbahan ng iba’t ibang relihiyon na isulong ang interreligious dialogue, kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 57,244 total reads

 57,244 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 104,525 total reads

 104,525 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 154,278 total reads

 154,278 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 313,475 total reads

 313,475 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 338,087 total reads

 338,087 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top