Ika-69 taong anibersaryo, ipinagdiwang ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total views

Ipinagdiwang ng Caritas Manila ang ika-69 anibersaryo ng paglilingkod at pagtulong sa mga mahihirap at higit na nangangailangan.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Synodality: A Collective Journey with the Poor as the People of God” bilang pakikiisa at pakikibahagi ng institusyon sa mga mahihirap para sa sama-samang paglalakbay bilang Simbahan.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT. Pascual, patuloy na gagampanan ng institusyon ang misyong tulungan ang mga mahihirap tungo sa pagkakaroon nang malusog na pangangatawan at maayos na kinabukasan.

“Sa 69 years natin na kung saan tayo’y nakikiisa sa synodality ni Pope Francis, naglalakbay tayo sa Panginoon kasama ang mga mahihirap at tinutulungan natin sila na matulungan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng ating education, health program, livelihood, at itong pagiging kasapi ng Christian, caring and sharing community – Church of the poor,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Nagpapasalamat naman si Fr. Pascual sa donors at benefactors na patuloy na sumusuporta sa mga programa ng social arm ng Archdiocese of Manila sa loob ng halos pitong dekada.

“Nawa pagpalain sila ng Panginoon, a hundredfold. At patuloy silang sumuporta sa napakagandang mission of charity ng Caritas Manila sa mga mahihirap at maysakit, lalo na ngayong panahon ng pandemya, economic crisis, at food crisis,” saad ni Fr. Pascual.

Samantala, pinangunahan naman ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang thanksgiving mass at grand commissioning ng mga servant leader ng Social Services and Development Ministry ng social arm ng arkidiyosesis.

Ayon kay Cardinal Advincula, naging daluyan ng biyaya at pag-asa ang Caritas Manila sa gitna ng mga pagsubok sa buhay lalo na sa pag-iral ng coronavirus pandemic.

Dagdag ng Cardinal na hindi naging sagabal sa mga manggagawa at volunteer ng institusyon ang banta ng virus para lamang mapaglingkuran ang mga mahihirap at higit na nangangailangan.

“Sa pagpapadaloy ng malasakit ni Hesus at ng simbahan, nagbibigay tayo ng pag-asa. Sa tindi ng hirap ngayong pandemya, marami ang nais nang sumuko at umayaw sa buhay. Salamat sa sipag at malasakit ninyong lahat, marami ang nakatagpo ng pag-asa,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Sa loob ng 69-taon, patuloy na pinapalawig ng institusyon ang mga programa tulad ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP, Caritas Damayan, Sanlakbay, at Restorative Justice Ministry.

Binabalak din ng Caritas Manila na isulong at palakasin ang Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MCSED) upang maalalayan ang mga nasa mahihirap na sektor na magkaroon ng maayos na pagkakakitaan at hanapbuhay.

Unang kinilala bilang Catholic Charities, ang Caritas Manila ay itinatag noong Oktubre 1953 sa pamamagitan ng noo’y Arsobispo ng Maynila na si Rufino Cardinal Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 13,246 total views

 13,246 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 63,930 total views

 63,930 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 70,059 total views

 70,059 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 99,731 total views

 99,731 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 118,017 total views

 118,017 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 6,096 total views

 6,096 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top