Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

MOCSED, ilulunsad ng UCC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total views

Ilulunsad ng Union of Church Cooperatives (UCC) ang Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MOCSED) program bilang paggunita sa National Cooperative Month ngayong buong buwan ng Oktubre.

Ito ang pangunahing mensahe ni Father Anton CT Pascual – Chairman ng UCC at Pangulo ng Radio Veritas 846 para sa buwan ng paggunita.

“Upang makumpleto ang pagtulong natin sa mahihirap hindi lang espiritwal, hindi lang sa edukasyon at kalusugan, nutrisyon at sa mga gawaing espiritwal ngunit mabigyan din natin livelihood support ang mga mahihirap sa pamamahitan ng ating cooperative and network na ngayon ay binubuo ng union of church COOPS ,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Pascual.

Paliwanag ng Pari, sa tulong ng MOCSED ay ilulunsad ang mga livelihood programs na magbibigay ng kabuhayan sa mga miyembro ng mga kasaping kooperatiba at maging sa mga mahihirap.

Mensahe din ni Father Pascual ngayong National Cooperative Month ang pagsisilbing biyaya ng UCC sa mga churchworkers at iba pang kasaping indibidwal.

Ito ay dahil narin nagkakaroon ng pagkakataon ang mga miyembro na sama-samang kumita at makapagtaguyod ng kani-kanilang sariling negosyo sa tulong ng mga kooperatiba.

“Sa esperitwal na pananaw ang tawag po natin diyan ay stewardship, to manage, ating ingatan, maging responsable tayo, palaguin natin ang yaman na binigay satin ng Panginoon sa pamamagitan ng values and principles ng cooperative movement,” ayon pa sa mensahe ng Pari.

Ang UCC ay binubuo ng mahigit 40-church based cooperative na mula sa 12-Arkidiyosesis at Diyosesis sa buong Pilipinas.

Batay naman sa datos ng Cooperative Development Authority, aabot sa 11.5-milyong Pilipino ang miyembro ng mahigit 11-libo ang mga kooperatiba sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Andaming sumasawsaw

 49,576 total views

 49,576 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

SINGIL SA KURYENTE

 95,299 total views

 95,299 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 97,509 total views

 97,509 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 169,090 total views

 169,090 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 177,959 total views

 177,959 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Manggagawa, hindi pa ganap na malaya

 3,358 total views

 3,358 total views Iginiit ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER na nananatiling mailap para sa milyun-milyong manggagawang Pilipino ang tunay na kalayaan

Read More »
Scroll to Top