Agro-ecology fair, isasagawa sa QCMC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 964 total reads

Ilulunsad ng Agroecology X (Agro-X) ang Agro-ecology Fair sa October 09 na gaganapin sa Flower Garden ng Quezon City Memorial Circle.

Ayon kay Patrick Dela Cueva – Overall Co-facilitator ng Agro-X, pangunahing tema ng Agroecology Fair ang “Reclaim Our Land! Reclaim Our Food Systems!’upang isulong ang maayos na sistema ng pagsasaka at pangingisda gamit ang agham.

Ayon kay Dela Cueva, ito ang ikalawang pagdaraos ng pagtitipon ngayong taon na muling itatampok ang mga magsasaka’t mangingisda kasama ang mga negosyante na mula sa ibat-ibang panig ng Pilipinas.

“Kasama rito ang mga organisasyon ng mga magsasaka, civil society organization o CSO, concessionaires, organic produce marketers at iba pang advocates for the people’s right to food,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dela Cueva.

Ayon kay Dela Cueva, pagkakataon din ang Agroecology fair upang magkita-kita ang mga magsasaka at mangingisda mula sa ibat-ibang lugar upang magpalitan ng impormasyon at makipagdiyalogo hinggil sa mga kaalaman sa pagtatanim o pangingisda.

Ang Agro-X ay kalipunan ng 100-grupo at indibidwal sa agrikultura na mula sa Metro Manila, Bicol Region at ilang lalawigan sa Visayas.

Ang Agroecology naman ay ang makabagong sistema sa agrikultura na gumagamit ng agham sa pagtatanim o pangingisda upang matiyak ang maayos na ani na hindi sinisira ang kalikasan.

“Yung Agroecology na magbibigay talaga siya ng glimpse una kung ano ba ang isang sistema ng pagkain at agrikultura na makatarungan at nagbebenipisyo yung lahat ng mamamayan,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Dela Cueva.

Unang ipinahayag ni Dela Cueva ang kahandaan sa pakikipagtulungan sa simbahang katolika upang makamit ang layunin na makilala sa buong mundo ang sistema ng Agroecology na titiyak sa sapat na suplay ng pagkain sa bawat bansa.

Una naring nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na tiyakin ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain higit na ngayong panahon ng pandemya.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 17,501 total reads

 17,501 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 35,867 total reads

 35,867 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 75,678 total reads

 75,678 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 109,805 total reads

 109,805 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 166,211 total reads

 166,211 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top