Go Further Beyond 150-years campaign, inilunsad ng UST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,081 total reads

Inilunsad ng University of Santo Tomas Faculty of Medicine and Surgery (UST FMS) ang isang capital campaign kasabay ng pagtatapos sa paggunita sa kanilang ika-150 anibersaryo.

Ito ay ang “Go Further: Beyond 150 Years – A Capital Campaign” na ginanap sa Buenaventura Garcia Paredes, O.P. Building, upang suportahan ang proyektong makakatulong sa pagpapabuti sa edukasyon at pangangailangan ng medical students ng pamantasan.

Pinangunahan ito ng Anargyroi FMS Foundation, Inc. (AFI) na nilalayong makapangalap ng 1.2-bilyong pisong pondo upang maipatayo ang Henry Sy Sr. Hall na magiging lugar ng Sts. Cosmas and Damian Simulation Laboratory and Research Center.

Ayon kay UST FMS Dean at AFI President Dr. Ma. Lourdes Maglinao na ang itatayong state-of-the-art building ay inaasahang matutugunan ang mga pangangailangan upang patuloy na mapaunlad at mapabuti ang medical education ng pamantasan sa modernong panahon.

“The Henry Sy Sr. Hall is yet another milestone securing the UST Faculty of Medicine and Surgery a relevant and significant spot in Catholic medical education in the country, in the region, and in the world,” pahayag ni Maglinao.

Hinikayat naman ni AFI Fundrasing Committee Chairman Dr. Charles Cuaso ang FMS alumni at iba pang donors na patuloy na suportahan ang proyekto upang maisakatuparan ang hangarin ng UST FMS.

“It is indeed very challenging to solicit donations. I must admit, however, I do it because I love my Alma Mater… Join me, join us for together we have no reason not to be able to go further,” saad ni Cuaso.

Samantala, saksi rin sa pagpapasinaya sina UST FMS Regent Fr. Angel Aparicio, OP; UST Rector Very Rev. Fr. Richard Ang, OP, at AFI Development Office Executive Director Assistant Professor Anna Maria Gloria Ward.

Gayundin ang mga kinatawan mula sa Henry Sy Foundation, Starkey Hearing Technologies, UNILAB, FMS Class of 1986, UST Medical Alumni Association, Drs. Peter and Linda Fang, at AFI beneficiaries.

Sa kasalukuyan, nakapangalap na ang foundation ng higit sa P600-milyong pondo para sa proyekto.

Itinatag ang UST FMS noong 1871 at itinuturing na una at pinakamatandang paaralan ng medisina sa Pilipinas na nakalikha na ng higit sa 40-libong mga doktor.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 16,450 total reads

 16,450 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 34,327 total reads

 34,327 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 74,215 total reads

 74,215 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 108,342 total reads

 108,342 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 164,748 total reads

 164,748 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 178,550 total reads

 178,550 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top