Sim Registration Act, nilagdaang batas ni PBBM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,012 total views

Ganap ng batas ang Sim Registration Act makaraan lagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pinagtibay na panukala ng Mababang Kapulungan at ng Senado.

Ito rin ang kauna-unahang panukalang isinabatas ng Pangulong Marcos Jr. sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Naniniwala naman si House Speaker Martin Romualdez na ang pagsasabatas ng SIM Registration Act or Republic Act (RA) No. 11934- ay makakatulong na mapangalagaan ang mga consumer laban sa cybercriminals at online scammers.

“The SIM Registration Act is a great first step toward the protection of the privacy of Filipinos that is currently vulnerable to intrusion from unscrupulous individuals who are using personal data to either misrepresent, scam or defraud consumers,” ayon kay Romualdez.

Ang panukala ay una na ring isinulong noong 18th congress bagama’t na-veto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala, kinakailangan nang mairehistro ang mga Sim cards ng Public Telecommunication Entity (PTE) bago gamitin.

Gayundin sa mga existing sim cards na dapat na mairehistro sa loob ng 180 araw makaraang maipatupad ang batas.

Sa Mababang Kapulungan, tatlong mambabatas ang tutol sa SIM registration law kabilang na sina Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas, ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro, at Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.

Ayon sa mga mambabatas, hindi dapat ipagkatiwala ang mga personal na impormasyon lalo’t hindi rin nasolusyunan ng ahensya ng gobyerno ang ilang insidente ng data breaches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 33,661 total views

 33,661 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 29,530 total views

 29,530 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 65,732 total views

 65,732 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 74,971 total views

 74,971 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 101,275 total views

 101,275 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top