CBCP-ECCCE at teachers group, nanawagan ng pakikiisa sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total reads

Nananawagan pakikiisa sa mga magulang at legal guardians ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education at samahan ng guro.

Ito’y upang sama-samang tugunan ang kinakaharap na suliranin ng sektor ng edukasyon na dulot ng COVID 19 pandemic at bagsak na ekonomiya ng bansa.

Ayon kay San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto, vice-chairman ng CBCP-ECCCE, tungkulin ng bawat magulang, legal guardians, nakakatanda at mga stakeholder ng education sector ang paghuhubog sa kalinangan at pag-aaral ng mga mag-aaral.

“Sama-sama nating binabalikat ang hinggil sa formation o paghuhubog sa isip at sa puso ng ating mga bata at kabataan,”pahayag ni Bishop Presto sa panayam ng Radio Veritas

Inaasahan naman ni Father Ernesto De Leon, executive secretary ng CBCP-ECCCE na higit pang kilalanin ng bawat pamilya ang kahalagahan ng mga guro na bukod sa pagtuturo ay nagsisilbing ikalawang pamilya ng mga estudyante.

Kaugnay nito, kinilala din ni Vladimer Quetua,chairperson ng Alliance of Concerned Teachers ang tulong ng magulang at legal guardians sa mga mag-aaral sa naunang pagpapatupad ng online, modular at distance learning.

Umaapela naman si Benjo Basas ng Teachers Dignity Coalition na palawakin pa ng mga magulang at legal guardians ang pang-unawa sa ginagawang pagtuturo ng mabuting asal at pag-disiplina ng mga guro sa mga estudyante.

“Baka namimis-interpret yung uri ng pagdidisiplina, at one point yung ginagawa po ng ilang sa ating mga teacher na pagiging istrikto.Sana maiintindihin ninyo na ang lahat ay ginagawa ng mga guro para din sa inyo kasi kagaya nung mga magulang niyo sa bahay, kami naman ang mga magulang ninyo sa mga paaralan,”pahayag ni Basas.

Sa ika-2 ng Nobyembre, ipapatupad ng Department of Education ang 100% face to face classes sa lahat ng paaralan sa buong bansa.

Nauna namang hinimok ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, chairman ng CBCP-ECCCE Chairman ang lahat sa sektor ng edukasyon na simulan ang school Year 2022-2023 na may sigla at bagong pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 43,924 total reads

 43,924 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 91,658 total reads

 91,658 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 141,409 total reads

 141,409 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 300,608 total reads

 300,608 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 325,748 total reads

 325,748 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top