Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Disaster preparedness, pinaigting pa ng LGUs

SHARE THE TRUTH

 3,737 total views

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government na mas pinaigting ang disaster preparedness sa bawat munisipyo sa mga lalawigan sa bansa.

Ayon kay DILG secretary Ismael Sueno, maraming natutunan ang mga Pilipino sa patuloy na paghagupit ng mga malalakas na bagyo tulad ng super bagyong Yolanda tatlong taon na ang nakalilipas.

“Ang ganda ng mga ginagawa ng mga Local Governments natin, kasi itong mga opisyal natin sa DILG kapag may na monitor na sabi ng PAGASA this will become strong, ang DILG natin sige na yung tawag at advisory, please prepare! Please prepare! So tingnan mo kahit na malakas yung bagyong Lawin, konti lang ang namatay, ang nasira lang talaga na wala na tayong magawa, yung mga bahay saka mga roads,” bahagi ng pahayag ni Se. Sueno sa Radyo Veritas.

Kaya naman Ayon sa kalihim, tuloy tuloy ang training ng mga LGUs upang mas handa at makasabay ang mamamayan sa nagbabagong klima.

Dagdag pa ng kalihim, ang bawat munisipalidad ay tiyak na may sapat na disaster preparedness dahil kasama ito sa mga criteria upang makakuha ng seal of good governance.

“Para makapasa ka at mabigyan ka ng award ng Seal of Good Local Governance ay isang criteria na makapasa kayo sa Disaster Preparedness at talagang halos lahat ng munisipyo natin naka seminar at na-train sila kung anong gagawin, to be prepared for disaster,” dagdag pa ng kalihim.

Sa datos ng DILG halos 100 porsyento na ang kumpleto sa RAY Project o Recovery Assistance for Yolanda na may 3,591 projects.

Sa datos ng NASSA/Caritas Philippines noong 2015, ay umabot sa mahigit P3 bilyon ang halaga ng mga proyekto na kanilang naipagawa sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo at mahigit sa 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga nasalanta ang kanila ng natulungan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 16,745 total views

 16,745 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 42,345 total views

 42,345 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 53,239 total views

 53,239 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 89,321 total views

 89,321 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 10,106 total views

 10,106 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 168,084 total views

 168,084 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 111,930 total views

 111,930 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567