Mananampalataya inaanyayahan sa pagbabasbas ng mga imahe sa paggunita ng UNDAS 2022

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total views

Inaanyayahan ng Nuestra Señora De La Soledad De Manila Parish sa Tondo Manila ang mananampalataya na dumalo sa pagbabasbas ng mga imahe sa November 1 sa pagdiriwang ng Todos Los Santos.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Douglas Badong ang kura paroko ng parokya, ito ay paraan upang parangalan ang mga banal na buong kababaang loob na nag-alay ng kanilang buhay sa Panginoon at nanindigan sa pananampalataya.

Ipinaliwanag ni Fr. Badong sa All Saints Day ay nararapat na gunitain ang kabanalang ipinamamalas ng mga santo ng simbahan sa halip na itaguyod ang katatakutan.

“Sa November 1, inaanyayahan kayo sa gagawing prusisyon ng mga Banal at Santo, yung mga may maliliit na imahe maari po kayong dumalo sa Banal na Misa bago ang prusisyon para sa pagbebendisyon; Ipagdiwang natin ang kabanalan, ‘wag ang Katatakutan.” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Alas singko ng hapon gaganapin ang Banal na Eukaristiya na susundan ng pagbabasbas sa mga imahe at prusisyon ng mga Banal.

Naniniwala si Fr. Badong na dapat palakasin ang katesismo sa mahalagang pagdiriwang ng All Saints Day at All Souls Day na ilaan para parangalan ang mga banal ng simbahan at ipanalangin ang kaluluwa ng mga yumaong mahal sa buhay.
Sa Pilipinas bagamat may ilang nakaugalian ang halloween party o pagsusuot ng mga nakakatakot na kasuotan ay isinusulong naman ng simbahan ang parade of saints lalo sa mga kabataan kung saan hinimok na tularan ang bihis ng kinagigiliwang santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 11,384 total views

 11,384 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 62,068 total views

 62,068 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 68,197 total views

 68,197 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 97,921 total views

 97,921 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 116,362 total views

 116,362 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top