Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Paeng, panalangin ni Bishop Cabajog

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 951 total views

Nagpaabot ng pananalangin si Surigao Bishop Antonieto Cabajog para sa mga lugar na kasalukuyang nakakaranas ng matinding epekto ng bagyong Paeng.

Dalangin ni Bishop Cabajog na nawa’y sa kinakaharap na pagsubok ay ipagkaloob ng Panginoon ang kaligtasan ng lahat at ang pagtutulungan para sa mga biktima ng nagaganap na sakuna.

“Father and Creator of all, almost a year after super-typhoon Odette struck, we come face to face again with another strong one – Paeng… I ask that You send Your angels, people and timely practical help to those affected.” panalangin ni Bishop Cabajog mula sa panayam ng Radio Veritas.

Hinihiling din ng Obispo na bigyan ng katatagan ng puso’t kalooban ang mga lubhang apektado ng bagyong Paeng at nawa’y makamtan ang pag-asa upang muling makabangon mula sa pinsala ng sakuna.

Batid ni Bishop Cabajog na nananatili pa rin sa mga isipan ng mga tao ang pangamba mula sa pinsalang iniwan ng Super Typhoon Odette na nanalasa sa bansa noong Disyembre 2021.

“At this difficult time, please strengthen the heart and minds of those traumatized by Odette and other disasters. Make them feel the love and comfort You bring to Your children.” saad ni Bishop Cabajog.

Magugunitang higit na nag-iwan nang malawak na pinsala ang Bagyong Odette sa Surigao City, Northern Mindanao at Siargao Island, gayundin sa Maasin City, Southern Leyte at Cebu.

Batay sa mga ulat, mayroong 13 katao ang naitalang nasawi dulot ng naganap na landslide at malawakang pagbaha sa bahagi ng Maguindanao at iba pang bahagi ng Cotabato.

Patuloy naman ang isinasagawang rapid assessment and response ng simbahan at mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang sitwasyon at matulungan ang mga higit na apektado ng pananalasa ng Bagyong Paeng.

Sa huling ulat ng PAGASA, patuloy ang paglakas ng Bagyong Paeng habang kumikilos sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 15,801 total views

 15,801 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 42,452 total views

 42,452 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 137,510 total views

 137,510 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 159,246 total views

 159,246 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 173,317 total views

 173,317 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top