Paco Catholic school, pinuri ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,768 total views

Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na pag-ibayuhin pa ng Paco Catholic School ang pagpapalago ng pananampalataya sa pamayanan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa ika – 110 anibersaryo ng institusyon na patuloy ang pagsusumikap na maging katuwang ng simbahan sa pagmimisyon.

Naniniwala si Cardinal Advincula na bawat katolikong paaralan ay malaki ang tungkuling ginagampanan upang maipalaganap ang pananampalataya lalo na sa kabataan.

“Every Catholic School is a school of faith. With gratitude and humility, we pray that Paco Catholic School will be a seedbed of faith, hope, and love,” ayon sa mensahe ni Cardinal Advincula.

Batid ng cardinal ang malaking hamong hinarap ng sektor ng edukasyon noong pandemya ngunit pinagsumikapan ng eskwelahan sa pagtutulungan ng mga guro at sa pangangasiwa ni Fr. Maxell Aranilla bilang School Director na maihatid ang edukasyon sa kabataan gamit ang makabagong pamamaraan sa tulong teknolohiya.

Pinuri ni Cardinal Advincula ang pagsusumikap ng Paco Catholic School na mananatiling kaisa sa misyon ng simbahan sa kabila ng mga pagbabago.

“We note that Paco Catholic School has been established to integrate the faith in the lives and learning experiences of the school community,” ani ng cardinal.

Umaasa rin si Cardinal Advincula na lalago ang institusyon sa pag-ibig at kawanggawa na magdudulot ng pag-asa sa bawat kabataang hinuhubog sa eskwelahan.

“Let the mission of Catholic Schools be expressed in charity by bringing our students closer to Jesus. Unless we submit ourselves to the power of Jesus, we will not be able to fulfill our evangelizing mission inn the Church,” giit ni Cardinal Advincula.

Itinatag ang Paco Catholic School noong November 8, 1912 sa pangunguna ni Fr. Raymond Esquenet ng Congregation of the Immaculate Heart of Mary na nangasiwa noon sa Paco Church at ipinagpatuloy ni Fr. Godfried (Godofredo) Aldenhuijsen, CICM.

Kinilala at pinasalamatan ni Cardinal Advincula ang mga nagpasimula sa eskwelahan, mga guro at kawaning nagsusumikap na paglingkuran ang bawat kabataang itinataguyod ang Paco Catholic School.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 83,487 total views

 83,486 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 127,094 total views

 127,094 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 209,471 total views

 209,471 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 220,226 total views

 220,226 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top