Franciscan Priest, tiwalang matutugunan ng COP27 summit ang climate crisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,064 total views

Ibinahagi ng kinatawan ng mga Franciscano sa Pilipinas ang mahahalagang paksang tinalakay sa United Nations Climate Change Conference of Parties o COP27 summit sa Sharm El Sheikh, Egypt.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, OFM, Provincial Animator ng Justice, Peace and Integrity of Creation ng Province of San Pedro Bautista-Philippines, tinalakay sa COP27 summit ang adaptation o pakikiangkop sa kalagayan ng mga bansang apektado ng climate change.

Ipinaliwanag ng pari na mahalagang maunawaan ng pamahalaan ng iba’t-ibang bansa kabilang na ang Pilipinas sa kalagayan ng mga pamayanan na direktang apektado ng nagaganap na pagbabago sa kapaligiran.

“Kung gaano ka-grabe ‘yung sitwasyon, ano ‘yung epekto, ano ‘yung nasira, gaano kalaki ‘yung pinsala, at nandun din ‘yung pakikiangkop kung paano sila tutugon dahil nakita nila ‘yung kalagayan at sitwasyon ng mga apektadong pamayanan.” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam ng Radio Veritas.

Pinagtuunan din sa pagtitipon ang mitigation o pagbabawas na layunin ng Paris Agreement na nagtatakda sa temperatura ng mundo sa 1.5 degrees-Celsius.

Sinabi ni Fr. Cortez na patuloy na isinusulong ng mga mahihina o bulnerableng bansa ang kasunduan dahil sa labis na epekto ng pag-init ng kapaligiran na nagdudulot ng malalakas na sakuna.

Tinalakay din sa COP27 summit ang climate action o pagkilos ng mga bansa upang maisakatuparan ang mga layunin para sa loss and damage mechanism na kailangan ng mga bansang madalas na biktima ng malalakas na kalamidad tulad ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Fr. Cortez ang patuloy na pagkilos at pakikibahagi ng simbahan sa pagsusulong ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan sa inspirasyon ng liham-ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalang Francisco.

Kabilang dito ang panawagan sa pamahalaan at financial institutions na ihinto na ang pamumuhunan sa mga malalaking korporasyong lumilikha ng pinsala sa inang kalikasan.

Ang COP27 Summit ay dinaluhan ng mga pinuno at kinatawan mula sa iba’t ibang grupo, organisasyon at bansa upang sagipin ang daigdig sa lumalalang climate crisis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 33,495 total views

 33,495 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 39,624 total views

 39,624 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 69,766 total views

 69,766 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 89,710 total views

 89,710 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 109,312 total views

 109,312 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 3,640 total views

 3,640 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top