Reyalidad sa naipong bangkay ng NBP inmates, ikinalulungkot ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,112 total reads

Ikinalulungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang reyalidad na sinasalamin ng naipong labi ng mga bilanggo ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Rev. Fr. Nezelle Lirio – executive secretary ng kumisyon, nakababahala ang reyalidad ng kalagayan ng mga bilanggo na tuluyan ng pinabayaan at itinakwil ng sariling pamilya maging ng pamahalaan.

Ito ang isa sa mga dahilan ng pagkaipon ng mahigit sa 170-labi ng mga bilanggo sa isang punerarya sa Muntinlupa City.

“Isa pa pong concern natin dito unclaimed, baka hindi pa po alam ng kani-kanilang mga pamilya tapos makikita din po natin dito yung kalagayan ng mga PDLs, yung iba po ay pinabayan na, itinakwil na ng kanilang sariling mga pamilya kaya isa pong magagawa po natin ay magdasal…” pahayag ni Fr. Lirio sa Radio Veritas.

Iginiit ng Pari ang kahalagahan ng patuloy na pananalangin upang makatagpo ng kapayapaan ang mga pumanaw na bilanggo.

Inihayag ni Fr. Lirio na bukod sa pananalangin para sa kaluluwa ng mga bilanggo ay mahalaga din na ipanalangin ang tapat na resulta ng isinasagawang autopsy at imbestigasyon sa dahilan ng pagpanaw ng mga bilanggo.

“Sa tingin ko po ang pwede po talaga nating gawin ngayon ay walang iba kundi magdasal, ipagdasal po natin na while waiting for the autopsy ng investigation ay magkaroon po ito ng resulta na kung saan magbibigay po ng linaw para sa hustisya sa katarungan ng mga pumanaw na PDLs at makatagpo sila ng peace, ng kapayapaan sa kabilang buhay…” Dagdag pa ng Pari.

Unang binigyang diin ng prison ministry ng Simbahan na ang dignidad o ang likas na karangalan ng bawat tao ay dapat na pahalagahan at protektahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 46,800 total reads

 46,800 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 133,303 total reads

 133,303 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 176,340 total reads

 176,340 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 226,098 total reads

 226,098 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 385,236 total reads

 385,236 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top