Administrasyong Marcos, hinamong ipawalang bisa ang RTL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,025 total reads

Muling umapela ang AMIHAN National Federation of Peasant Women at grupong Bantay Bigas na ipawalang bisa ang Rice Liberalization Law (RTL).

Ayon kay Cathy Estavillo, secretary-general ng AMIHAN at spokesperson ng Bantay Bigas, walang naidulot na mabuti ang R-T-L simula ng naisabatas noong 2019 dahil nito napababa ang presyo ng bigas.

Sinabi ng grupo na dahil sa batas ay lubhang napababa nito ang kita ng mga magsasaka ng palay na naging dahilan ng pagkalugi at tuluyang pagtigil sa pagsasaka ng mga magsasaka.

“Palagian nating naririnig ang gubyerno na para raw bumaba ang presyo ay dapat lumaki ang importasyon. Ito mismo ang malinaw na ebidensya ng pagiging kontra-magsasaka at kontra-mamamayan ng gubyerno, dahil alam na nga nilang papatayin nila ang kabuhayan ng mga magsasaka, babagsak pa ang self-sufficiency o gagawing pulubi sa imported na bigas ang sambayanang Pilipino, pero isinusulong pa rin nila. Ito ay pagpapakatuta sa dikta ng World Trade Organization at imperyalismong US, na kontra sa interes ng mga Pilipino,” ayon sa mensahe ni Estavillo na ipinadala sa Radio Veritas.

Iginiit ng grupo ang tuluyang pagsasawalang bisa ng RTL at panawagan sa pamahalaan na ituon ang mga programa at inisyatibo sa pagpapaunlad sa lokal na pagsasaka, pangingisda at iba pang sektor ng agrikultura.

Ito ay upang hindi na umasa pa ang Pilipinas sa maramihang pagtanggap ng imported na suplay ng ibat-ibang agricultural products.

“Ang daming nilalabag ng rehimeng US-Marcos, ang right to livelihood at karapatan sa suporta ng estado ng mga magsasaka, right to food ng mamamayang Pilipino, at ang national sovereignty natin, dahil dikta nga ng dayuhang kapangyarihan ang batas na ito. Dapat lang talagang singilin si Marcos, at mga nagtulak nito tulad ni Gloria Macapagal-Arroyo sa mababang kongreso, at si Cynthia Villar sa senado. Dapat magkaisa ang malawak na mamamayan na ibasura ang Rice Liberalization Law, itaguyod ang pambansang industriya ng palay at bigas at tunay na reporma sa lupa, ang kabuhayan ng mga magsasaka at karapatan ng mamamayan sa murang pagkain,” bahagi pa ng mensahe ni Estavillo.
Sa tala ng Bantay Bigas, umaabot na sa 20-bilyon piso noong 2023 ang ikinalugi ng mga Filipino rice farmers simula noong 2019 matapos ang pagsasabatas ng RTL.

Patuloy naman ang pakikiisa nila Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari sa mga mag magsasaka ng palay upang makamit ang kanilang mga ipinanawagan na katarungang panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 95,534 total reads

 95,534 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 131,446 total reads

 131,446 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 165,578 total reads

 165,578 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 221,984 total reads

 221,984 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top