Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Agrikultura at ekonomiya

SHARE THE TRUTH

 219,767 total views

Mga Kapanalig, hindi pa man tayo umaabot sa tinatawag na peak o pinakamatinding bahagi ng nagpapatuloy na El Niño, umabot na sa 151.3 milyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot nito sa sektor ng agrikultura. 

Ito ang pagtataya ng ating Department of Agriculture batay na rin sa datos na libu-libong tonelada ng palay at mais mula sa mahigit 3,000 na ektarya ng mga taniman ang nasira na dahil sa matinding tagtuyot. Ang mga pinakaapektadong magsasaka naman ay matatagpuan sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula. Binigyan na raw sila ng ating gobyerno ng tulong katulad ng mga buto ng gulay na maaari nilang itanim pansamantala at mga materyales sa pagtatanim ng mga tinatawag na high-value crops na kaunting tubig lang ang kailangan. Nagsimula ang El Niño noong Hulyo ng nakaraang taon at inaasahan ng PAG-ASA na matatapos hanggang sa Abril ngayong taon. Nakababahalang titindi pa ang negatibong epekto nito sa ating agrikultura. Noong isang taon nga, 0.7% lamang ang inilago ng halaga ng ating produksyon sa agrikultura at pangisdaan. Ang kalagayan ng sektor ng agrikutura ay may epekto naman sa ating ekonomiya.

Dapat itong bantayan ng lahat, lalo na ng gobyerno. Sa survey pa naman na ginawa ng Social Weather Stations (o SWS), apat lang sa sampung Pilipino (o 40%) ang umaasang bubuti ang kalagayan ng ating ekonomiya ngayong 2024. Ito ang pinakamababang economic optimism mula noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan nasa 30% lang noong Hulyo 2020 at 33% noong Setyembre 2020 ang nagsabing bubuti ang ekonomiya sa bansa. Ang datos ngayong 2024, na batay sa survey na ginawa noong bago matapos ang 2023, ay malayo rin sa 56% nang umupo sa puwesto si Pangulong Bongbong Marcos Jr noong 2022. 

Kung magpapatuloy ang pinsala ng El Niño sa ating agrikultura at hindi maaagapan ang mga epekto nito, babagal ang paglago ng ekonomiya. Kung mahina ang ating ekonomiya, maraming kababayan natin, kasama na ang mga magsasaka at nakasalalay sa agrikultura, ang mahihirapang makaraos sa araw-araw. 

Natural na phenomenon ang El Niño. Ibig sabihin, alam natin kung kailan ito sasapit at kailan ito magtatapos. Alam din natin ang mga epekto nito, lalo na sa sektor ng agrikultura. Sa Pilipinas, tagtuyot ang dala ng El Niño at mas mainit kaysa sa inaasahan ang temperatura. Dahil sa matinding init, ekta-ektaryang mga sakahan ang hindi magiging produktibo. Kung may mga tanim man, kakaunti ang magiging ani. Mababawasan ang tubig na magagamit para sa irigasyon dahil kakaunti o walang ulang magdadala ng tubig sa mga dam at sakahan. Mapipilitan ang ating magsasakang kumuha ng tubig mula sa ilalim ng lupa, at dagdag-gatos ito para sa kanila.

Kaya naman, mahalagang pinaghahandaan ng pamahalaan ang El Niño twuing sumasapit ito. Sa laki ng halaga ng pinsalang dala nito mula noong isang taon, mukhang kulang pa ang ating paghahanda at pagtugon. Sa dulo, ang mamamayan—lalo na ang mga magsasaka at ang mahihirap—ang magtitiis. Ito sana ang mas pinagtutuunan ng pansin ng ating mga pinuno—sa halip na ang pagbabago ng Konstitusyon at paggatong sa alitan ng mga magkakaaway na pulitiko. Maging babala sana ang sinasabi sa Mga Kawikaan 21:13, “Ang hindi pumapansin sa daing ng mahirap, daraing din balang araw ngunit walang lilingap.” Dumaraing ang ating mga magsasaka at mga dukhang walang makain. Naririnig ba sila ng mga nasa poder? Masasabi ba nating may pagkiling sila sa mahihirap, na mahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan?

Mga Kapanalig, ang pagtugon natin tuwing El Niño ay hindi lang dapat pangmatagalan at batay sa siyensya. Nakatuon din dapat ito sa kapakanan ng mga kapatid nating pinakamaaapektuhan. 

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 12,992 total views

 12,992 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 21,307 total views

 21,307 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 40,039 total views

 40,039 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 56,378 total views

 56,378 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 57,642 total views

 57,642 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 12,993 total views

 12,993 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 21,308 total views

 21,308 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 40,040 total views

 40,040 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 56,379 total views

 56,379 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 57,643 total views

 57,643 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 53,445 total views

 53,445 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 53,670 total views

 53,670 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 46,372 total views

 46,372 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 81,917 total views

 81,917 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 90,793 total views

 90,793 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 101,871 total views

 101,871 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 124,280 total views

 124,280 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 142,998 total views

 142,998 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 150,747 total views

 150,747 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top