Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Alisin ang kultura ng karamutan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,063 total views

Pinaalalahanan ng Simbahang Katolika ang mga mananampalaya na patuloy na magpadama ng habag ng Diyos lalo na sa mga pulubing nanlilimos sa daan ngayong Kapaskuhan taliwas sa banta ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na iwasan ang mga ito.

Ayon kay Arsobispo Emerito ng San Fernando, Pampanga Paciano Aniceto, dating chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Family and Life, talamak ang kahirapan sa bansa dahil na rin sa kawalan ng opurtunidad at trabaho kaya’t napipilitan ang iba na manlimos.

“Talagang mayroong rampant poverty ang ating bansa. Kawawa tayo walang jobs at umuwi pa iyong ibang OFWs. We are poor dahil walang hanap buhay na may dangal ang ating mga kababayan. Kaya ang pamilya dapat mabigyan ng probisyon ang mga miyembro. Ang mga anak na iyan nagpapalimos kung minsan talagang hindi kakain iyan kung hindi magpapalimos,” pahayag ni Archbishop Aniceto sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinabi pa ni Archbishop Aniceto na hindi masusugpo ng DSWD ang mga nanlilimos kung hindi nito tutugunan ang kahirapan na umiiral sa bansa.

Iginiit pa ng Arsobispo na umiiral pa rin ang kultura ng karamutan sa pamumuhay ng pamilyang Pilipino kaya’t hinimok nito ang 88-porsiyento ng Romano Katoliko sa bansa na matutong magbahagi ng biyaya ngayong Pasko.

“Hindi rin masugpo ng DSWD iyan kailangan tayong lahat sa pamilya tulungan natin yung ating mga kababayan na mahihirap… Ang kultura rin natin ang ating social living ay maramot siguro this is a basic human value, this is inclined in our name as a Christian nation. Pinakamarami ang Kristiyano, sana sa ating kakayahan mag – share tayo gawin natin ito during Christmas at kahit hindi pasko,” giit pa ni Archbishop Aniceto sa Radyo Veritas.

Sa datos naman ng Philippine Statistics Authority o PSA na 12.1 percent ng populasyon ng bansa o 12.18 milyong Pilipino ang hindi sapat ang kanilang kinikita upang makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Ilan naman sa mga kumakalinga ng mga batang kalye sa Metro Manila ay ang Tulay Ng Kabataan Foundation na magugunitang binisita ng kanyang Kabanalan Francisco noong bumisita ito sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,261 total views

 10,261 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,361 total views

 18,361 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,328 total views

 36,328 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,647 total views

 65,647 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,224 total views

 86,224 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 102,391 total views

 102,391 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 65,851 total views

 65,851 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top