Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Anti-terror Act of 2020, silencer ng administrasyong Duterte sa kalaban

SHARE THE TRUTH

 424 total views

July 4, 2020-9:44am

Magagamit bilang instrumento para sindakin at patahimikin ang mamamayan.

Ito ang pangamba ni Fr. Christian Buenafe, O.Carm-chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa ginawang paglagda ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Terrorism Bill bilang isang ganap na batas.

Ayon sa Pari ang bagong batas ay isang paraan upang sindakin ang mga kritiko, maralita at maliliit na sektor ng lipunan na hayagang pumupuna at tumututol sa mga nagaganap na kawalang katarungan sa lipunan.

“The government has institutionalized terror as a tool to silence its citizens. Today is the beginning of a new wave of terror to be unleashed against critics, the poor and exploited,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe.

Nanawagan din ang Pari sa mamamayang Filipino na labanan ang kasamaan at kabuktutan sa pamamagitan ng kabutihan.

Paliwanag ni Fr. Buenafe, mahalagang manindigan ang bawat isa laban sa anumang uri ng pagtatangka na sindakin at supilin ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

“Today we call on all Filipinos to resist evil with good. Resist against Terror and repression,” dagdag pa ng pari.

Ika-3 ng Hulyo ng lagdaan ni Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 na mag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa.

Una ng nagpahayag ng pangamba ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang na ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa mga kwestyunableng probisyon na maaring maisantabi ang ilan sa mga mahahalagang karapatan ng mamamayan kabilang na ang karapatan sa malayang pagpapahayag at ang due process ng batas.

WATCH: Limang dahilan bakit tutol ang Simbahan sa pagsasabatas ng Anti-Terror Act of 2020

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 8,046 total views

 8,046 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 38,127 total views

 38,127 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 52,186 total views

 52,185 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 70,703 total views

 70,703 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567