Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,431 total views

Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan.

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan.

“Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan ay hindi pag-e-endorso sa kanilang kandidatura. Bilang pastol ng simbahan, siya ay nakikinig at nagbibigay ng espirituwal na pagagbay sa mga nagnanais mamuno sa ating bayan,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Nilinaw ni Cardinal Advincula na nang anumang larawang makikitang kasama ito ng ilang kandidato ay hindi nangangahulugang pagsang-ayon o pagkiling sa kanilang kandidatura at plataporma kundi pagtanggap bilang ama ng arkidiyosesis.

Sinabi ni Cardinal Advincula na bukas ang simbahan sa pagtanggap sa mga kandidato upang mapakinggan ang kanilang mga ninanais at hinahangad sa lipunan na bahagi rin ng isang simbahang sinodal na nakikilakbay sa nasasakupang kawan.

“Malaya ang sinumang humingi ng pagbabasbas ng mahal na arsobispo, at sa tamang pagkakataon, hindi ito ipagakakait sa sinumang magnanais nito,” ani Cardinal Advincula.

Patuloy namang isinusulong ng arkidiyosesis sa pangunguna ng media arm na Radio Veritas ang ‘One Godly Vote’ campaign na isang voters education advocacy na layuning mabuksan ang kamalayan ng 68 milyong botante sa bansa kaugnay sa mga batayan sa pagpili ng mabuting kandidato na nakahandang maglingkod sa kapakanan ng nakararami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,620 total views

 62,620 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,489 total views

 58,489 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,691 total views

 94,691 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 102,865 total views

 102,865 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,961 total views

 126,961 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top