Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,970 total views

Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province.

Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal. Advincula, hiniling niya sa lahat ng pari, team ministry moderators, mga rectors, at chaplains sa Arkidiyosesis na makiisa sa gawaing ito bilang pakikiisa sa mga nasalanta.

“My heart and prayers go out to all those affected by Typhoon Kristine particularly in Bicol Region and Quezon Province. We extend our sincere gratitude to the churches and homes that opened their doors to accommodate those affected. The solidarity among Christians is deeply felt in times like these,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Inaasahang lahat ng makokolekta sa ikalawang koleksyon ay direktang ilalaan para sa agarang tulong sa mga nasalanta, kabilang na ang pagkain, tirahan, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa bagong kautusan, ipinagpaliban ang koleksyon para sa Prison Awareness Sunday sa November 3, 2024.

Ang mga pondong malilikom ay dapat isumite sa Accounting Office ng Arzobispado de Manila bago o hanggang 30 Oktubre 2024.

Sa gitna ng trahedyang dulot ng Bagyong Kristine, umaasa si Cardinal Advincula na patuloy na maipadama ng mga Katoliko ang malasakit at pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagkakawanggawa.

Una na ring naglabas ng P1.2 milyong piso ang Caritas Manila bilang paunang tulong para sa mga diyosesisi sa Bicol na labis na nasalanta ng bagyo.

Makakatanggap ng tig-P200,000 ang Archdiocese of Caceres; mga diyosesis ng Libmanan; Virac; Legazpi, Daet; at Sorsogon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 6,756 total views

 6,756 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 29,915 total views

 29,915 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 51,190 total views

 51,190 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 223,545 total views

 223,545 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top