152 total views
Hinimok ni Archdiocese of Cagayan de oro Archbishop Antonio Ledesma ang lahat ng kumandidato, nanalo man o natalo na ipagpatuloy ang paglilingkod sa taumbayan.
Dagdag pa ng Arsobispo, naway ipagpatuloy ng mga lingkod bayan ang pagtataguyod sa dignidad ng bawat tao, pagpapaunlad ng mga komunidad at laging unahin ang kapakanan ng nakararami o ang ‘common good’.
Ipinapanalangin rin ni Archbishop Ledesma, na sa pagpasok ng mga bagong maglilingkod sa bayan ay isabuhay nila ang good governance, habang hiniling rin nito na buong-pusong suportahan ng mamamayan ang mga manunungkulan.
“We are asking for prayers na lahat ng mga kandidato ngayon, those who won and those who did not win to continue to work for the common good, alay sa lahat and also to work for the progress and dignity of every one sapagkat ito rin ang master values na sinusuportahan natin, the human dignity of every person and the common good of the whole community. We pray to the Lord na mabigyan tayo ng grasya at panalangin na we will continue in this effort for good governance and for participation of everyone.” Pahayag ni Abp. Ledesma.
Sa kasalukuyan ilang mga lokal na opisyal na ang naiproklama sa iba’t ibang lalawigan habang patuloy pa rin ang canvassing para sa pinakamatataas na posisyon sa pamahalaan kabilang na ang sa pagkasenador, pangulo at pangalawang pangulo.
Nasa 18,083 ang bilang ng mga bagong opisyal na inaasahang manunungkulan ng tapat sa bansa, kasabay ng pagpasok ng bagon