179 total views
Pina – paubaya ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mutual Relations (CBCP – ECMR) sa mga local government units o LGUs sa bansa ang pagpapatupad ng “nationwide liquor ban at ang no smoking policy” ni presumptive president elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay CBCP – ECMR Chairman at Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, SJ, kailangan ring ikonsidera ni Duterte ang pagkakaiba–iba ng alituntunin na ipinatutupad ng mga munisipalidad.
Iginiit ni Archbishop Ledesma na malaking hamon ang kakaharapin ng ika – 16 na pangulo para pag–isahin ang bawat siyudad sa pagpapatupad nito.
“I think iwan na natin yan sa local government units to implement it. Ang layunin is good for pro–health and for peace and order siguro. It should be the local level consultation, sapagkat yun nga magkakaiba ang kailangan ng mga communities,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol
Pinayuhan naman nito ang alkalde na laging maging batayan nito ang Saligang Batas sa anumang pagbabago na nais nitong ipatupad na walang nilalabag sa karapatang pantao.
“We wish him good luck because he was trying to make a new beginning tsaka we should give him a room for what he can be done. Dapat ipatupad niya rin yung rule of law, peace and order na kanyang naipangako but it should always be done by consultation according to the constitutional rights of people also. Again, we hope that he will continue to build a program with the rule of law,” giit pa ni Arsobispo sa Radyo Veritas
Nabatid na batay sa tala ng Philippines Statistics Authority o PSA tinatayang 17.3 milyon o halos 28 porsyento ng mga Pilipino ang naninigarilyo na may edad 15 pataas ito ay ayon sa 2009 Global Adult Tobacco Survey (GATS).
Gayunman, matagal ng ipina-alala ni San Pablo sa kanyang unang sulat sa mga taga – Corinto kabanata 6 bersikulo 9, “na ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo na dapat nating panagalagaan.”