ATM, duda sa big brother-small brother strategy ng DENR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,414 total reads

Duda ang Alyansa Tigil Mina hinggil sa binabalak ng Department of Environment and Natural Resources para sa pagbuo ng “big brother-small brother strategy” na nakapaloob sa social development at management programs (SDMP) ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina.

Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera na bagamat maganda ang layunin, inaasahan pa rin ang pagkakaroon ng problema sa mga patakaran at pagpapatupad nito.

Paliwanag ni Garganera na ang SDMP ay ginawa para sa kapakanan ng mga pamayanang apektado ng iba’t ibang operasyon ng pagmimina.

Kapag ginamit ito para sa kapakinabangan ng small-scale miners, aalisin nito ang pinansyal na mapagkukunan na unang inilaan para sa mga apektadong pamayanan at mga lokal na pamahalaan.

“Identifying and prioritizing a specific sector, e.g. the small-scale miners, works only to benefit a few and is a form of favoritism, while the broader whole community collectively feels the impacts of the mining project,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit naman ni Garganera na dapat munang patunayan ng DENR na mayroon silang malinaw na plano para sa pagsuporta at pagsasaayos ng small-scale mining sa bansa, alinsunod na rin sa Republic Act No. 7076 o ang Peoples Small-Scale Mining Act.

“Amendments to both the Philippine Mining Act or RA 7942 and RA 7076 itself, might be necessary before the government asks the large-scale miners to “share” the SDMP,” saad ni Garganera.

Aabot sa halos isang milyong ektarya ang total land area na saklaw ng pagmimina sa Pilipinas o 2.91 percent ng 30-milyong total land area ng bansa.

Sa kasalukuyan, nasa 44 ang bilang ng mining company sa bansa kung saan 37 rito ang nagsasagawa ng operasyon.

Sang-ayon naman sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco, mariin nitong tinututulan ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 209,089 total reads

 209,089 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 236,360 total reads

 236,360 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 270,482 total reads

 270,482 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 326,885 total reads

 326,885 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 184,345 total reads

 184,345 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top