Ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga sa kalikasan, hamon ng Obispo sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,695 total reads

Nanawagan si Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga mananampalataya at pamayanan na muling ayusin ang prayoridad ng lipunan sa pangangalaga ng kalikasan, kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation 2025.

Sa kanyang pastoral statement, binigyang-diin ng obispo na dapat ilagay sa wastong pagkakasunod-sunod ang pinahahalagahan ng tao–una, ang pangangalaga sa daigdig, ikalawa, ang lipunan, at pangatlo lamang ang ekonomiya.

Binatikos ni Bishop Varquez ang labis na pagpapahalaga sa ekonomiya na nagiging sanhi ng pagsasantabi sa karapatan ng kalikasan at mga apektadong pamayanan, bagay na humahantong sa matindin pinsala sa kapaligiran at lipunan.

“Let us wake up to the truth that the wrong prioritizing of the economy has led to the degradation, even destruction of much of the earth’s resources. It has also divided peoples and nations into rich and poor. It has consequently deeply wounded the harmony between creation and humankind and between nations themselves,” pahayag ni Bishop Varquez.

Bilang halimbawa, ibinahagi ng obispo ang karanasan ni retired astronaut Ronald John Garan, na namangha sa kagandahan ng daigdig mula sa kalawakan dahil sa kawalan ng hangganan at pagkakahati-hati.

Ngunit, nang bumalik ito sa lupa, agad nasaksihan ni Garan ang muling pagkakahati ng mundo dahil sa pulitika, kapangyarihan, at maling pagpapahalaga na inuuna ang ekonomiya higit sa lahat.

“Nations are in conflict basically because the order or hierarchy of priorities at work is wrong. Mankind at present ranks the economy as first in the order of priorities. This is wrong because it puts our planet in danger due to the insatiable human greed that also victimizes the poor,” ayon kay Bishop Varquez.

Kaugnay nito, ipinaalala rin ni Bishop Varquez ang mga aral ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, na nagpapaalala na ang mundo ay nag-iisang tahanang dapat pangalagaan laban sa banta ng konsumerismo at mapaminsalang pag-unlad.

Hinikayat ng obispo ang lahat na gisingin ang kamalayan, ituwid ang maling pananaw, at manalangin upang maisabuhay ang kalooban ng Diyos sa tamang paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman.

“The Creator of the universe handed to humans the earth to cultivate and preserve (Gen 2:15), not to abuse or destroy. From time to time he commands that the land itself be given rest and not abused (Lev 25:1-7),” saad ni Bishop Varquez.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 13,001 total reads

 13,001 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 74,491 total reads

 74,491 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 111,279 total reads

 111,279 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 142,441 total reads

 142,441 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 192,376 total reads

 192,376 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 253,980 total reads

 253,980 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 53,428 total reads

 53,428 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top