Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong taon, pananalangin para sa kapayapaan at paggunita kay Maria

SHARE THE TRUTH

 426 total views

Ito ang New Year message ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang bagong taon sa Simbahang Katolika ay paggunita kay Maria bilang ina ng Diyos na prinsipe ng kapayapaan.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang kapayapaan ay kung nasaan ang katotohanan, katarungan, tunay na paggalang sa buhay at dignidad ng kapwa-tao, tunay na kalayaan at pagmamahalan.

Itinuturing ni Cardinal Tagle na “active non-violence” ang kapayapaan na kumikilos sa pamamaraang hindi marahas kundi sa isang pamamaraang punong-puno ng pag-ibig at pagmamahalan.

Hinimok ng Kardinal ang lahat na manalangin at isalalay ito sa kamay ng Mahal na Ina na nagbigay sa atin ng prinsipe ng kapayapaan.

Full transcript New Year message:

Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

Mga minamahal na kapatid sa panginoong Hesu Kristo, mga Kapanalig ng ating Radyo Totoo, Radio Veritas.

Happy New Year po, isang mabiyaya at masaganang bagong taon.

Alam po ninyo para sa atin sa Simbahang Katoliko, ang bagong taon ay paggunita kay Maria bilang ina ng Diyos, ang prinsipe ng kapayapaan.

Kaya ang bagong taon ay pananalangin para sa kapayapaan. Ano ba ang kapayapaan? Hindi lamang po kawalan ng gusot, ang kapayapaan ay kung nasaan ang katotohanan,katarungan,tunay na paggalang sa buhay at digdinad ng kapwa-tao,tunay na kalayaan at pagmamahalan.

Ang kapayapaan ay bunga lamang ng lahat ng iyan,kaya manalangin po tayo sa taong ito at ating isalalay sa kamay ng mahal na ina na nagbigay sa atin ng hari ng kapayapaan ang taong darating.

Sa mensahe ng Santo Papa, Pope Francis “non-violence”, ibig kung dagdagan “active non-violence”, iyan ang kapayapaan kikilos hindi sa pamamaraang marahas kundi sa isang pamamaraan na punong-puno ng pag-ibig hanggang sa matalo ang karahasan.

Happy New Year.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Abot-kamay pa ba ang pananagutan?

 19,373 total views

 19,373 total views Mga Kapanalig, ang desisyon ba ng Korte Suprema ay parang utos mula sa langit? Para ba itong utos ng hari na hindi mababali? 

Read More »

Abot-tanaw na ang Bagong Pilipinas?

 39,058 total views

 39,058 total views Mga Kapanalig, nagsimula na noong nakaraang Lunes ang ikadalawampung Kongreso. Kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso ay ang ikaapat na State of

Read More »

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 77,001 total views

 77,001 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 95,155 total views

 95,155 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 88,156 total views

 88,156 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 113,970 total views

 113,970 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 148,337 total views

 148,337 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567