Bagong transmission site ng Radio Veritas, itatayo sa Meycuayan, Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,348 total reads

Tiniyak ng Father Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas na palalakasin pa ng himpilan ang pagpapalaganap ng katotohanan sa lipunan.
Ito ang mensahe ng Pari sa pagbabasbas sa itinatayong transmission site ng Radio Veritas sa Barangay Longos, Meycuayan Bulacan na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga Pari at kawani ng Archdiocese of Manila at Broadcast World Philippines.
Ayon kay Fr.Pascual, sa pamamagitan ng bagong transmitter ay lalong mapaigting at mapalawak ang pagpapalagap ng new evangelization ng Radyo ng Simbahan.
“Alam naman po natin tayo po ay lumipat ng antenna dito sapagkat sa Barangay Taliptip ay ginagawa po yung international airport, kaya tayo po ay lumipat dito sa Barangay Longos, upang itayo ang ating transmitters, upang ipagpatuloy ang ating evangelization program ang pagpapalaganap ng katotohanan, pag-ibig ng Diyos, pagliligtas ng Panginoong Hesukristo sa pamamagitan ng radyo at social media,” pahayag ni Fr.Pascual
Labis naman ang kagalakan ni Father Roy Bellen, Vice-president for Operations ng Radio Veritas sa blessing ng bagong transmitter site na inaasahang matatapos sa Setyembre ngayong taon.
Naniniwala si Fr.Bellen na maihahatid ng Radio Veritas sa mas maraming mamamayan sa bansa at ibayong dagat ang mensahe ng katotohonan, mensahe ng pag-asa at inspirasyon.
“Siguro po, alam naman niyo, hindi po madali ang buhay at panahon po gayung may mga pagsubok po siya pero patuloy po tayo sa kabila ng mga economic, yung atin pong mga pagsubok sa pulitika, even po yun pong bagyo, yung some say ecological challenge ang lahat po ng ito ay bahagi po ng ating buhay, pero amidst it all sa kabila po ng lahat, tayo po ay naghihiling sa ating paggawa, pagtupad ng atin pong misyon, ipaahayag ang katotohanan, ang mabuting balita, maghatid po ng pag-asa at ng inspirasyon, kaya po samahan niyo po kami palagi, tayo po ay mag-pray pareho,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Bellen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 87,745 total reads

 87,745 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 124,120 total reads

 124,120 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 158,252 total reads

 158,252 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 214,657 total reads

 214,657 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top