Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bamboo plantation ng DENR, suportado ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 393 total views

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bamboo plantation ng Department of Environment and Natural Resources sa Central Luzon na layong maisaayos ang mga kagubatan at tabing ilog sa rehiyon.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, bagong Central Luzon Regional Representative ng CBCP, malaki ang maitutulong ng pagtatanim ng mga punong-kahoy sa tabing ilog tulad ng mga kawayan upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng ilog.

“Yes, to rehabilitate our river banks is to plant more of mangroves and bamboos,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Dagdag ni Bishop Santos na ang hakbang na ito ng pamahalaan ay magandang halimbawa upang patuloy na maipalaganap ang pangangalaga sa kalikasan na tiyak ring makatutulong para sa kaligtasan ng mamamayan.

Pagbabahagi pa ng Obispo na ang reclamation project din sa Manila Bay ay hindi makatutulong sa bansa dahil lalo lamang itong magdudulot ng panganib hindi lamang sa karagatan, kundi lalo na sa buhay ng mga tao.

“Land is our life. It is our livelihood. To protect and to preserve our lands are to protect our lives and loved ones,” ayon kay Bishop Santos.

Aabot sa mahigit 14,600-hectares na bamboo plantation ang itinayo ng DENR sa Central Luzon mula noong taong 2012 upang makatulong sa rehabilitasyon ng mga kagubatan, tabing ilog at Manila Bay.

Maliban sa pagiging epektibong gamit sa pagbuo ng mga gusali at iba pang kagamitan, malaki ang naitutulong ng kawayan upang maiwasan ang matinding sakuna tulad ng pagguho ng lupa.

Nakatutulong din itong mabawasan ang epekto ng climate change at pag-init ng temperatura ng mundo dahil sinisipsip nito ang carbon dioxide dulot ng polusyon, at naglalabas ng mataas na antas ng oxygen upang mapanitiling ligtas at malinis ang hangin.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,909 total views

 6,909 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 15,009 total views

 15,009 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,976 total views

 32,976 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 62,332 total views

 62,332 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,909 total views

 82,909 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,738 total views

 7,738 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,031 total views

 9,031 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,430 total views

 14,430 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,412 total views

 16,412 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top