Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Banta ng COVID 19, hindi pa tapos

SHARE THE TRUTH

 2,595 total views

Muling pinaalalahanan ng Health Care Commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko na huwag maging kampante sa kabila ng pagbuti ng kalagayan ng bansa mula sa krisis ng coronavirus pandemic.

Ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Fr. Dan Cancino, MI, higit pa ring mahalagang ipagpatuloy ang pagiging responsable na pangalagaan ang sarili at kapwa mula sa banta ng COVID-19.

Ipinaliwanag ni Fr. Cancino na bagamat nagbalik na muli sa dati ang mga pagtitipon at mga nakagawian, hindi pa rin ito nangangahulugan na ligtas na ang lahat sa panganib ng nakahahawa at nakamamatay na virus.

“Sa mga nakalipas na mga araw, tumataas ang kaso ng COVID-19, mataas ang positivity rates sa ilang mga lugar, at marami pa rin talaga sa atin ang hindi pa rin bakunado, ‘di pa rin nagpapa-booster. Sana ang mensahe ng Department of Health ay hindi sana hudyat para maging kampante tayo. So, mas maganda pa rin ‘yung prevention is better than cure,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ni Fr. Cancino ay kasunod ng anunsyo ng World Health Organization na hindi na maituturing na global health emergency ang COVID-19 dahil sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ng daigdig sa pagtugon sa pandemya.

Gayunman, wala pa ring anunsyo ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) hinggil sa mga bagong panuntunan sa pagtugon sa COVID-19.

Hinikayat naman ni Fr. Cancino ang publiko na sundin pa rin ang mga nakagawian tulad ng pagsusuot ng facemask, physical at social distancing, at paggamit ng sanitizers na mahalaga bilang pag-iingat hindi lamang sa COVID-19, kun’di pati na rin sa iba pang nakahahawang karamdaman lalo na ngayong pabago-bago ang panahon.

Nangako rin ang pari na patuloy na makikipagtulungan ang CBCP-ECHC sa pamahalaan tungo sa layuning lunasan at tugunan ang COVID-19 pandemic.

“Ang simbahan ay kaakibat pa rin ng gobyerno natin para mapigilan itong pagdami ng COVID-19 cases. Lagi pa rin tayong nagpapaalala sa ating mga kababayan, sa mga nagsisimba na ang COVID-19 ay nand’yan pa rin. Kailangan nating alagaan ang isa’t isa. This is an act of love,” saad ni Fr. Cancino.

Batay sa huling ulat ng DOH, umabot na sa halos 13,000 ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang nasa 4.1-milyon naman ang kabuuang bilang ng kaso kung saan higit 66-libo rito ang mga nasawi.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,302 total views

 8,302 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,402 total views

 16,402 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,369 total views

 34,369 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,704 total views

 63,704 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,281 total views

 84,281 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 7,838 total views

 7,838 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 9,129 total views

 9,129 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 14,528 total views

 14,528 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

 16,512 total views

 16,512 total views Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top