Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Barangay officials, mahalaga ang papel sa “Oplan Tambay” ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 765 total views

Mahalaga ang papel ng mga opisyal ng barangay upang maprotektahan ang kapanakanan ng mamamayan sa kampanya ng Philippine National Police laban sa mga tambay sa lansangan.

Ipinaliwanag ni dating Solicitor General Florin Hilbay na ang mga opisyal ng barangay ang maging tagapamagitan sa pakikipag-ugnayan sa mga pulis upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng mga sibilyan sa implementasyon ng kampanya.

Iginiit ni Atty. Hilbay na bilang mga halal na opisyal ay mayroong tungkuling dapat na gampanan ang mga nasa barangay na tiyakin ang kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Sa tala, umaabot na sa higit 10-libong indibidwal ang naaaresto ng Philippine National Police mula ng ihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong ika-13 ng Hunyo ang direktiba na hulihin ang mga tambay sa kalye na maituturing na potensyal na banta sa publiko.

Samantala, naunang nilinaw ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na kailangang isaalang-alang ng mga otoridad ang kalagayan ng mga mahihirap.

Read: Ikonsedera ang kalagayan ng mga mahihirap sa “Oplan Tambay”

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board (NSCB), umaabot sa 42,027 ang kabuuang bilang ng mga barangay sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 6,566 total views

 6,566 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 21,277 total views

 21,277 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 34,135 total views

 34,135 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 108,416 total views

 108,416 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 164,070 total views

 164,070 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567