Batas na magbabawal sa paggamit ng fossil fuel, iginiit ng obispo

SHARE THE TRUTH

 23,537 total views

Pinangunahan ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang pagtataguyod ng pagbabago para sa kalikasan sa buong Negros Island.

Ayon kay Bishop Alminaza, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace (CBCP-ECSA-JP), kailangan nang isulong ang paglikha ng mga konkretong polisiya upang tuluyan nang mahinto ang mapaminsalang fossil fuels.

Sinabi ng obispo na ito’y hudyat din upang higit pang kilalanin ang paggamit at paglipat sa renewable energy na abot-kaya, malinis, at ligtas sa kapaligiran at kalusugan ng mamamayan.

“We need firm policies that would finally end the use of fossil fuels in the Negros Island and remove barriers to the development and utilization of Renewable Energy,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Iginiit ni Bishop Alminaza na ang sama-samang pagtutulungan ng mamamayan ay malaki ang maitutulong upang makalikha ng magandang kinabukasan sa Negros Island at mamamayan nito.

Ang Negros Island ay tinaguriang renewable energy capital ng Pilipinas na may power generation plants na lumilikha ng halos 100 porsyento ng malinis na enerhiya.

Gayunman, hindi ito lubos na nagagamit at napapakinabangan ng mamamayan dahil sa kakulangan ng suporta at pagtangkilik ng lokal na pamahalaan.

Panawagan naman ni Bishop Alminaza sa pamahalaang panlalawigan at iba pang lokal na pamahalaan ng Negros Island na paigtingin ang pagsusulong sa paggamit ng malinis na enerhiya upang mapakinabangan ng higit na nakararami.

Inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang apostolic exhortation na Laudate Deum, ang higit pang pagpapaigting ng magkatuwang na pagkilos at pagtugon ng mamamayan at pamahalaan upang mapangalagaan ang nag-iisang tahanan mula sa lumalalang epekto ng climate crisis.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GAME OF CHANCE

 21,927 total views

 21,927 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 37,478 total views

 37,478 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 50,840 total views

 50,840 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 65,489 total views

 65,489 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 82,878 total views

 82,878 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mga layko, pinasasalamatan ng simbahan

 3,830 total views

 3,830 total views Ipinaabot ni Rev. Fr. Gregory Gaston – rector ng Pontificio Collegio Filippino ang pasasalamat ng Simbahan sa mga layko. Ayon sa Pari na

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top