Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bayanihan para sa mga biktima ng bulkang Mayon, pinuri ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 1,432 total views

Nagpapasalamat ang dating pinuno ng Diocese of Legazpi Social Action Center sa patuloy na pagmamalasakit sa mga biktima ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Ayon kay dating SAC Legazpi executive director Fr. Rex Paul Arjona, hindi maikakaila ang pinagdaraanang pagsubok ng mga apektadong residente na sapilitang pinalikas dahil sa banta ng bulkan.

Gayundin ang sakripisyo ng mga kawani ng simbahan lalo na ang SAC Legazpi na nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasa evacuation centers.

“Bagama’t ‘di biro ang hirap ng mga residenteng apektado sa mga evacuation centers, at ang pagod ng ating SAC Legazpi staff, Parish Disaster Response Committees, at maraming volunteers, pero napapagaan ang sitwasyon dahil ramdam namin ang pakikiisa at tulong ng marami nating mga kapatid.” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na malaki ang kaginhawaang naidudulot ng pagbabayanihan kung saan nagsisikap ang lahat, lalo na ang mga hindi apektado ng Bulkang Mayon upang mabawasan ang pasanin ng mga apektadong pamilya.

Katulad nito ang nasa 50 toneladang humanitarian aid mula sa United Arab Emirates at ipinamahagi sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayundin ang apela ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa mga parokyang saklaw ng diyosesis na ipamahagi ang ‘Tinagba offerings” bilang karagdagang tulong sa mga nagsilikas na pamilya.

“Dama mo ang pagmamalasakit mula sa mga lokal na komunidad na ‘di gaano apektado ng bulkan, hanggang sa mga donors sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa international.” ayon kay Fr. Arjona.

Batay sa Phivolcs, maaaring tumagal pa ng ilang linggo o buwan ang aktibidad ng Bulkang Mayon na nananatili pa rin sa Alert Level 3 status.
Nakasaad naman sa huling DSWD-DROMIC o Disaster Response Operations Monitoring and Information Center na nasa higit 10-libong pamilya o halos 40-libong indibidwal mula sa 26 barangay ang apektado ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,940 total views

 25,940 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 34,040 total views

 34,040 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 52,007 total views

 52,007 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 81,068 total views

 81,068 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 101,645 total views

 101,645 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 8,941 total views

 8,941 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,222 total views

 10,222 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,630 total views

 15,630 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top