Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bigyang halaga ang kalagayan ng mga bata, panawagan ng CBCP sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

 403 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat bigyan ng kaukulang pansin ang mga kabataan upang maiwasan ang stress ngayong umiiral ang coronavirus pandemic.

Ito ang mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, Chairman-elect ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education para sa mga magulang dahil karamihan sa mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ‘stress from school’ dahil sa online classes sa gitna ng pandemya.

“Napakahalaga marahil na makausap talaga ng mga magulang ang kanilang mga anak kung ano ang kanilang nararamdaman sa panahong ito at kung ano ang kanilang mga palagay, ang iniisip,” bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ng Obispo na kaya maraming kabataan ang nakakaranas ng stress ngayong pandemya ay dahil masyado na itong nakatutok sa online classes at hindi na nila makahalubilo o makalaro ang mga kaibigan at kaklase, kumpara noong wala pang pandemya.

“One of the many ways for us to grow is to socialize, especially among friends. So, sa nakikita ko, talagang it makes stress dahil nananatili sila sa small space. And then there’s also they don’t see their friends… They can’t go anywhere or play the games they used to play, not only with one another among siblings, but with other young people,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Batay sa ulat ng National Center for Mental Health, simula taong 2020 ay patuloy na ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang tumatawag sa kanilang crisis hotline para sa mental health consultation na ang kadalasang dahilan ay ang stress na sanhi ng online classes.

Payo naman ni Bishop Mangalinao sa mga magulang na sikaping maglaan ng oras upang maiparamdam sa mga anak ang pagmamahal at pag-aalaga na higit na makatutulong upang maibsan ang nararanasang suliranin ngayong pandemya.

“Siguro ang solusyon ay dapat maging sensitibo ang mga magulang na sa ngayon ay busy’ng busy din sa pagtatrabaho… Mahalaga ‘yung trabaho para sa kanilang mga anak pero pag sinasabi nating nai-stress ang mga bata, siguro dapat nila itong bigyang pansin… Mahalaga rin dito ang time management sa mga bata,” saad ng Obispo.

Sa isinagawang Veritas Truth Survey noong Oktubre hanggang Nobyembre nang nakaraang taon, lumabas dito na negatibo ang epekto ng ‘online education’ sa mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo sa buong bansa.

Samantala, ayon naman sa Department of Education magsisimula ang panibagong school year sa Setyembre 13, 2021, ngunit hindi pa rin pinahihintulutan ang face-to-face classes, maliban na lamang kapag ipinag-utos na ng Malacañang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 23,196 total views

 23,196 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 37,256 total views

 37,256 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,827 total views

 55,827 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,521 total views

 80,521 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 16,875 total views

 16,875 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567