Bishop Alminaza,bagong chairman ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 4,418 total views

Inihalal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza bilang bagong chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace.
Ang Obispo ang hahalili kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na matatapos ang termino sa November 30, 2025.

Kaakibat ng pagiging bagong chairman ng kumisyon ay magsisilbi rin si Bishop Alminaza bilang bagong pangulo ng Caritas Philippines na humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP.
Kilala si Bishop Alminaza sa kanyang adbokasiya sa pagsusulong ng karapatang pantao, katarungang panlipunan at pangangalaga ng kalikasan sa bansa.

“The announcement was made during the 130th CBCP Plenary Assembly held in Anda, Bohol. He will succeed Bishop Colin Bagaforo of Kidapawan, who served in the role since 2019. Known for his strong advocacy on environmental protection, human rights, and social justice, Bishop Alminaza will now lead the Church’s efforts in promoting justice, peace, and integral human development through Caritas Philippines.” Bahagi ng anunsyo ng Caritas Philippines.

Si Bishop Alminaza ang kasalukuyang vice chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at vice president ng Caritas Philippines magmula noong taong 2019.
Bahagi ng 130th Plenary Assembly ng CBCP na pagtitipon ng kalipunan ng mga Obispo na nagaganap sa Anda, Bohol ang paghalal ng mga bagong pamunuan para sa iba’t ibang komisyon ng CBCP.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.
Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,286 total views

 3,286 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,647 total views

 28,647 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,275 total views

 39,275 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,251 total views

 60,251 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,956 total views

 78,956 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top