Bishop elect ng Diocese of Boac, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,188 total reads

Humiling ng panalangin si Boac Bishop-elect Fr. Edwin Panergo habang inihahanda ang sarili sa mas malawak na misyong pagpapastol sa Simbahan ng Marinduque.

Itinalaga si Fr. Panergo ni Pope Leo XIV bilang bagong pastol ng Diocese of Boac, na halos isang taon nang sede vacante matapos ilipat si Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. sa Diocese of San Pablo, Laguna, noong 2024.

Buong kababaang-loob na tinanggap ng bagong hinirang na obispo ang tungkuling ipinagkatiwala sa kanya ng Simbahan, sa kabila ng kanyang pag-amin sa sariling kahinaan.

“Please pray for me. I know my weaknesses. I know the magnitude and the demands of the ministry that awaits me in Boac, Marinduque,” pahayag ni Bishop-elect Panergo.

Binigyang-diin ng pari na ang pagiging obispo ay hindi isang karangalan o titulo para paglingkuran, kundi isang paanyaya ng Panginoon upang maglingkod sa kapwa.

“Ang pagiging obispo ay hindi isang titulo na para bang ako ang pagsisilbihan, kundi isang paanyaya upang maglingkod,” dagdag ni Bishop-elect Panergo.

Ayon kay Bishop-elect Panergo, itinuturing niyang biyaya para sa Diocese of Lucena ang kanyang pagkatalaga bilang obispo, lalo na’t kasabay ito ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng diyosesis.

Aniya, ito ay pagkakataon upang higit pang mapalawak ang misyon ng Lucena sa mga karatig-lalawigan gaya ng Marinduque.

Inanunsyo ng Vatican ang kanyang appointment noong Oktubre 4, habang kasalukuyang nagsisilbing rector ng Our Lady of Mount Carmel Seminary sa Sariaya, Quezon.

Ipinanganak sa Lucena City, si Bishop-elect Panergo ay nagtapos ng Philosophy sa St. Francis de Sales Seminary sa Lipa City, Batangas, at Theology sa St. Alphonsus School of Theology sa Lucena.

Naordinahan siyang pari ng Diocese of Lucena noong September 8, 1997, at sa kasalukuyan ay pinangangasiwaan ang Commission on Vocation ng diyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 38,558 total reads

 38,558 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 75,347 total reads

 75,347 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 109,092 total reads

 109,092 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 160,740 total reads

 160,740 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 222,375 total reads

 222,375 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top