Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

SHARE THE TRUTH

 9,977 total views

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church.

Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna.

Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan nakatuwang ni Bishop Vergara si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, gayundin ang mga pari, at mananampalataya ng parokya at ng Diyosesis ng San Pablo.

Matatagpuan ang bagong simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish malapit sa Dominican College of Sta. Rosa, sa tapat ng isang kilalang amusement park sa lungsod.

Pinasimulan ang pagpapagawa ng bagong simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Msgr. James Contreras at ipinagpatuloy ng kasalukuyang kura paroko, Fr. Jeremias Oblepias, Jr.

Magugunita noong September 28, 2019 nang lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Dominican Sisters, San Lorenzo Development Corporation, at San Lorenzo Ruiz Parish, kasama si San Pablo Bishop-emeritus Buenaventura Famadico.

Ang pagtatalaga sa bagong simbahan ay bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz ngayong September 28.

Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang Pilipinong santo, na pinaslang sa Nagasaki, Japan dahil sa kanyang paninindigan sa pananampalataya, kasama ang iba pang mga martir.

Ginanap ang kanyang canonization noong October 18, 1987 sa Vatican, sa pangunguna ng noo’y Santo Papa, St. John Paul II.

Si San Lorenzo Ruiz ay tinaguriang pintakasi ng kabataang Pilipino, mga Overseas Filipino Worker (OFW), at mga altar server.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 6,904 total views

 6,904 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 25,257 total views

 25,257 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 75,726 total views

 75,726 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 105,663 total views

 105,663 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 2,929 total views

 2,929 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 2,930 total views

 2,930 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »

Sana ay mali kami

 23,010 total views

 23,010 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567