Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,462 total reads

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church.

Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna.

Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan nakatuwang ni Bishop Vergara si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, gayundin ang mga pari, at mananampalataya ng parokya at ng Diyosesis ng San Pablo.

Matatagpuan ang bagong simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish malapit sa Dominican College of Sta. Rosa, sa tapat ng isang kilalang amusement park sa lungsod.

Pinasimulan ang pagpapagawa ng bagong simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Msgr. James Contreras at ipinagpatuloy ng kasalukuyang kura paroko, Fr. Jeremias Oblepias, Jr.

Magugunita noong September 28, 2019 nang lagdaan ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Dominican Sisters, San Lorenzo Development Corporation, at San Lorenzo Ruiz Parish, kasama si San Pablo Bishop-emeritus Buenaventura Famadico.

Ang pagtatalaga sa bagong simbahan ay bahagi ng pagdiriwang sa kapistahan ni San Lorenzo Ruiz ngayong September 28.

Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang Pilipinong santo, na pinaslang sa Nagasaki, Japan dahil sa kanyang paninindigan sa pananampalataya, kasama ang iba pang mga martir.

Ginanap ang kanyang canonization noong October 18, 1987 sa Vatican, sa pangunguna ng noo’y Santo Papa, St. John Paul II.

Si San Lorenzo Ruiz ay tinaguriang pintakasi ng kabataang Pilipino, mga Overseas Filipino Worker (OFW), at mga altar server.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 130,166 total reads

 130,166 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 173,334 total reads

 173,334 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 223,092 total reads

 223,092 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 382,286 total reads

 382,286 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 403,459 total reads

 403,459 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,394 total reads

 191,394 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top