BOC,lumagpas na sa 2023 target collection

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,771 total views

Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target na makolekta sa unang bahagi ng 2023.

Sa ulat, may P213.619 bilyon ang nakolektang buwis ng ahensya mula Enero hanggang Marso o higit sa P16.6 bilyon o 8.43 porsyento sa itinakdang P197 bilyon.

Sa buwan ng Marso ay nakakolekta ang BOC ng P80.133 bilyon na lagpas ng 10.86 porsyento sa target na P72.282 bilyon.

Iniugnay ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang magandang performance ng kanyang ahensya sa 5-point priority programs ng BOC na nakatuon sa digitalization ng mga proseso ng Customs, pagpapadali ng mga proseso, pagsugpo sa smuggling, at pagbibigay halaga sa kapakanan at pag-unlad ng mga empleyado.

“Our positive collection performance for the first quarter of 2023 is a testament to the hard work and dedication of our men and women at the Bureau. We will continue to implement our priority programs and introduce new initiatives to sustain this positive momentum.” ayon kay Rubio.

Ang nakolekta ng BOC sa unang bahagi ng taon ay mas malaki ng 13.29 porsyento kumpara sa nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022 na umabot sa P188.557 bilyon.

“We will continue to work hard and strive for excellence as we aim to become one of the world’s best Customs administrations.” sabi pa ni Rubio.

Nagpasalamat rin si Rubio sa mga kawani ng ahensya sa pagsusumikap na gampanan ang kanilang tungkulin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 35,049 total views

 35,049 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 63,054 total views

 63,054 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 80,854 total views

 80,854 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 79,393 total views

 79,393 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 189,220 total views

 189,220 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top