14,354 total views
Tiniyak ng Australian Embassy to the Philippines ang pagpapalawig at pagpapalakas ng pakikipagkalakan sa Pilipinas.
Mensahe ito ni Australian Ambassador to the Philippines Marc Innes-Brown sa taunang ‘Journalist’s Reception’ sa nakipag-dayalogo sa mga mamamahayag na Pilipino.
Inihayag ni Brown na inaayos na ng Australia ang iba’t-ibang business mission upang mapalawig at mapatatag ang economic ties sa Pilipinas upang mapaunlad ang ekonomiya nito.
“We are continuing to do the work that I outlined before. We are working to try and promote greater trade investment. As Louisa said from Austrade, we are organizing business missions in both directions in the key sectors that we identified, have our deals team here working to identify projects. We’re also working very closely with Australian companies that have business underway,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Brown.
Nakikipagtulungan na ang Australian embassy sa kanilang mga kumpanya, negosyo at ahensiya ng pamahalaan sa pagsusulong ng mga economic initiative na tutulong sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Just this afternoon, I spent a couple of hours working with one Australian company on a major project that is currently being attendedm So it’s a priority for us, and it will definitely be a priority in 2026,” bahagi ng panayam ng Radyo Veritas kay Brown.
Ang Pilipinas ay ika-12 nangungunang trade partners ng Australia.




