Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Canonical installation ni Bishop Mallari, pangungunahan ng Papal Nuncio

SHARE THE TRUTH

 14,281 total views

Itinakda ng Diocese of Tarlac sa March 27, 2025 ang pagluluklok kay Bishop Roberto Mallari bilang ikaapat na obispo ng diyosesis.

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang canonical installation ng obispo sa alas nuwebe ng umaga sa San Sebastian Cathedral sa Tarlac City.

Itinaon ang installation ni Bishop designate Mallari sa kanyang ika – 66 na kaarawan at ika – 19 na anibersaryo ng pagiging obispo.

Lubos naman ang pasasalamat ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija sa obispo na pinamahalaan ng 12 taon mula July 2012 kasabay ng kahilingang patuloy ipanalangin ang misyon ni Bishop Mallari sa pagpapastol mahigit isang milyong kawan ng Tarlac.

“As he embarks on this new chapter, we send him off with our love and prayers. May the Lord continue to guide him in his service to the Church,” bahagi ng pahayag ng Diocese of San Jose.

Matatandaang December 29, 2024 nang italaga ni Pope Francis si Bishop Mallari bilang kahaliling obispo kay Bishop Enrique Macaraeg na pumanaw noong October 2023.

Ang obispo ay tubong Masantol Pampanga at nagtapos sa San Carlos Seminary sa Makati City, sumailalim din sa formation program sa spirituality ng Focolare Movement sa Priests’ School for Asia at School of Priests sa Florence, Italy.

Inordinahang pari ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga noong November 27, 1982 at naging katuwang na obispo ng arkidiyosesis noong 2006.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Politics Is Deterent To Economic Development

 40,512 total views

 40,512 total views Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa hindi maayos na kalagayan dahil sa malala at sistematikong katiwalian o korapsyon na pangunahing headlines ng mga

Read More »

Dagdag na pondo para sa mga SUC

 57,323 total views

 57,323 total views Mga Kapanalig, sa isang Senate hearing tungkol sa pambansang budget para sa taong 2026, tinalakay ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga

Read More »

Karapatan sa tirahan

 90,601 total views

 90,601 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Habitat Day. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na isulong ang karapatan ng lahat sa maayos na tirahan.

Read More »

TALO ANG MGA PILIPINO

 111,343 total views

 111,343 total views Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top