Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Advincula biyaya sa Archdiocese of Manila-Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 464 total views

Isang biyaya ng Diyos para sa mananampalataya ng Arkidiyosesis ng Maynila si Cardinal Jose Advincula.

Ito ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kay Cardinal Advincula na nakatakdang italaga sa Hunyo 24 bilang ika -33 arsobispo ng arkidiyosesis.

Payo ng opisyal ng Vatican kay Cardinal Advincula na manatiling tapat na pastol ng Panginoon na nakahandang maglingkod sa bayan ng Diyos.

“Cardinal Joe, don’t worry, you are God’s gift as you are and be who you are; ikaw ay tinawag ng Diyos para maglingkod at ikaw ang ibinigay sa napakabuhay na sambayanan ng Archdiocese of Manila,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Umaasa naman ang dating arsobispo na magkaisa ang mananampalataya sa pagtanggap ng bagong pinunong pastol ng arkidiyosesis at ipakita ang buhay na pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging tapat na pagganap sa tungkulin bilang kristiyano at bahagi ng simbahan.

“Sana makita ni Cardinal Joe [Advincula] ang isang sambayanang buhay, isang tunay na bayan ng Diyos, katawan ni Kristo at templo ng Espiritu Santo upang maramdaman niya na marami siyang kasama at hindi siya maglalakad at magtatrabaho na mag-isa,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Hamon pa ni Cardinal Tagle sa mahigit tatlong milyong mananampalataya ng arkidiyosesis na seryosohin ang pakikinig sa Salita ng Diyos upang maisabuhay ito sa komunidad na kinabibilangan.

Sinabi pa nitong dapar seryosohin ang pananalangin at sakramento at higit sa lahat pagnilayan kung anong kaloob ang taglay ng bawat isa na maaring ibahagi sa kabuuang simbahang katolika.

Marso ng kasalukuyang taon nang italaga ni Pope Francis si Cardinal Advincula bilang kahalili ni Cardinal Tagle makaraang italaga ito sa Vatican.

Magiging katuwang ni Cardinal Advincula sa pangangasiwa sa 86 na mga parokya ng arkidiyosesis ang mahigit sa 600 mga pari at religious men and women.

Ang kabuuang pagdiriwang sa pagtatalaga ay matutunghayan sa social media pages ng The Manila Cathedral, TV Maria at Radyo Veritas Ph habang mapakikinggan din sa himpilan mula alas otso hanggang alas onse ng umaga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 5,620 total views

 5,620 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 23,973 total views

 23,973 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 74,448 total views

 74,448 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 104,385 total views

 104,385 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 1,850 total views

 1,850 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567