Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal David, nagpapasalamat sa pagsibak ng NAPOLCOM sa 7-pulis Caloocan

SHARE THE TRUTH

 13,128 total views

Nagpahayag ng pasasalamat at pag-asa si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David matapos ipag-utos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dismissal ng pitong pulis-Caloocan na sangkot sa kaso na nagresulta sa serye ng mga pangyayari na naglagay sa 13-taong gulang na si Dion Angelo “Gelo” dela Rosa na isang altar boy sa ilalim ng Diyosesis ng Kalookan sa panganib.

Ayon sa Cardinal, ang hakbang ng NAPOLCOM ay isang positibong hakbang at senyales na gumagana pa rin ang mga mekanismo ng checks and balances sa pambansang institusyon ng Pilipinas.

“Ang dignidad at kredibilidad ng ating kapulisan kapag may ganito tayo na control system. Checks and balances at nadidisiplina yung ganitong mga kalabisan, mga abuses.”
Bahagi ng pahayag ng Cardinal.

Dagdag ni Cardinal David, ang desisyon din ay nagbibigay ng malinaw na pag-asa sa publiko na maaaring magampanan ng kapulisan ang kanilang tungkulin bilang tunay na tagapagtaguyod ng batas at katarungang panlipunan.

“Nagkakaroon tayo ng pag-asa na ang ating pulis ay totoong alagad ng batas. Hindi sila alagad ng kawalan ng katarungan, dahil marami akong kakilala na mga pulis na disente at committed sa kanilang gawain bilang totoong alagad ng batas.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Inilarawan din ng Cardinal bilang isang malaking tagumpay para sa bayan ang desisyon ng NAPOLCOM, lalo na para sa mga mahihirap na madalas na naaapi at nabibiktima ng pang-aabuso sa lipunan.

“Ito po ay isang malaking positive development. Ang mga dukha, ang mga mahihirap—madalas silang ma-bully. Pero sa desisyong ito, nagkakaroon tayo ng pag-asa na puwede palang umandar ang ating sistema ng gobyerno kung ang mga ahensyang may awtoridad [na gumagalaw nang tama].”

Binigyang-diin din ni Cardinal David ang kahalagahan ng civilian oversight o pagbabantay sa mga uniformed personnel bilang pundasyon ng isang matatag na demokrasya ng bansa.

“Magandang thought yun na yung civilian authority over the armed forces of our country is one of the landmarks or solid or stable democracy na mayroong ahensya na nagmo-monitor sa kilos ng ating mga naka-uniporme.” ani Cardinal David.

Ang naging desisyon ng NAPOLCOM ay kasunod ng naganap na pagdinig sa DILG Building noong umaga ng Disyembre 10, 2025 na dinaluhan nina Cardinal David at NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Calinisan.

Ayon sa imbestigasyon, inaresto ng mga pulis si Jayson dela Rosa ang ama ni Gelo sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Dahil sa walang kaalam-alam ang kanyang pamilya sa kanyang kinaroroonan ay napilitan ang anak nitong si Gelo na suungin ang bahang lampas tuhod upang hanapin ang ama na dahilan naman upang siya ay magka-leptospirosis na kanyang ikinamatay kalaunan.

Samantala, nanawagan din si Cardinal David ng patuloy na panalangin para sa pamilya ni Gelo at para sa kapulisan upang patuloy na maglingkod nang may dangal, integridad, at katarungan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng mga OFW

 38,923 total views

 38,923 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Awa at hustisya

 55,095 total views

 55,095 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 94,806 total views

 94,806 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 155,073 total views

 155,073 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 167,365 total views

 167,365 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top